Dina

Dina, ’di pabor kay Kristine para kay Oyo

February 9, 2022 Vinia Vivar 135 views

Ibinunyag ni Oyo Sotto na hindi pala boto noon kay Kristine Hermosa ang iba nilang kamag-anak at dini-discourage siya na pakasalan ito. Kabilang dito ang ina niyang si Dina Bonnevie.

“Mataray. Actually, ’yun ’yung mga sinasabi ng pinsan ko sa akin dati. Kahit ’yung mom ko noon sabi, ‘Masama raw ugali niyan.’ As in ganu’n ’yung sinasabi sa akin,” kwento ni Oyo sa interview kay Toni Gonzaga.

“Sabi ko naman, ‘Alam ko na ’yung mga chismis na ganu’n, Ma.’ Pero iba kasi kapag nakakausap mo na ’yung tao. Totally opposite talaga.

“Talagang what you see is what you get. ’Yun ’yung nagustuhan ko, hindi siya showbiz. Isa siya du’n sa mga tao na totoo lang siya talaga.

“’Yan ’yung gustung-gusto ko sa kanya, na behind the camera ’yun siya. Kapag nakaharap siya ’yun siya. Kapag galit siya, galit siya. Kapag asar siya, asar siya. Kapag good mood siya, good mood siya,” pagbabahagi ni Oyo.

Kapansin-pansin nga na simula nang maging mag-asawa sila ay nagsimula na ring mag-lie low sa showbiz si Kristine.

Understandable naman, especially nang naging nanay siya. Hanggang sa tuluyan na nga itong tumigil sa showbiz.

Ayon kay Oyo, hindi niya binawalan si Kristine na mag-artista.

“I don’t want to take the credit. Si God talaga. Kasi nakita ko rin na talagang she was really praying na ‘Sige, Lord, talagang magsa-submit ako sa husband ko. Kung ganyan ang kailangan kong gawin, lie low muna, huwag muna ako mag-work, siya muna, sige. Sige magsa-submit siya.’

“Kasi gusto niya talaga, eh. Sinasabi niya sa akin gusto niya mag-work. Kaya lang ayaw niya ng drama. Eh, sabi ko sa kanya, ‘Okay ako. Mag-work ka kung gusto mo. Pero gusto mo ba ’yung gagawin mo?’” saad ni Oyo.

As for Kristine, wala raw siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya na mag-quit sa pag-aartista.

In fact, nagpapasalamat siya kay Lord at si Oyo ang ibinigay sa kanya bilang partner in life.

AUTHOR PROFILE