Dimples Mga larawan mula sa Instagram/@dimplesromana

Dimples Romana inalala ang ‘Bagani’ days sa throwback pics with Belle Mariano

August 18, 2023 People's Tonight 217 views

INILABAS ng aktres na si Dimples Romana ang ilang “archives” o throwback pics sa dati nitong serye na “Bagani” kasama ang singer-actress na si Belle Mariano.

Ibinahagi sa isang Instagram post ni Dimples nitong Biyernes, Aug. 18 ang larawan nila ni Belle na suot-suot ang costumes nila sa isang set ng Bagani.

“Had THE BEST time being Babaylan Gloria for Bagani years ago and found these two photos of my darling mini me @belle_mariano and I for when we had to shoot our flashback scenes and explain why Babaylan is the way she is,” pahayag ng aktres sa caption ng kanyang post.

“So many happy memories and now still making more of those as Selene, still with my @starcreativestv family, forever grateful Nay @desmdg ate @sackey_prince direk @henrykingq @barefootwalks all our directors, past and present, and the all women prod team!! ILYSM Star Creatives Faaam,” dagdag pa ni Dimples.

Tinanong din ni Dimples ang netizens kung ano ang hindi nila makakalimutan sa serye.

“What was your most unforgettable scene from Babaylan?” aniya.

Ilang netizens naman ang nagkomento at sinabing, “Mekini mekini dugdug doremi.”

Nagkomento rin ang ilan at humiling na sana’y magkasamang muli ang dalawa sa isang proyekto.

“A project together with Belle will be super nice po! Manifesting as a fan of both of you,” komento ni user @2002b__.

“Project together will be greatttt!! Hoping soon!!!” saad pa ni user @mariaaaaaax_.

AUTHOR PROFILE