Dimacuha binigyan ng award ng USAID, MBC
GINAWARAN ng leadership award at kinilala bilang Digital Democracy Champion ng USAID Philippines at ng Makati Business Club, Inc. si Batangas City Mayor Beverley Dimacuha noong Nobyembre 15.
Itinatampok ng parangal ang pananaw, makabagong diwa at desisyon ng alkalde sa paggamit ng teknolohiya para sa pagpapabuti ng komunidad.
Pormal na ibinigay ng mga miyembro ng Digital Democracy Team ng lungsod ang mga plake kay Mayor Dimacuha pagkatapos ng flag ceremony.