Default Thumbnail

DILG Benhur Abalos ‘top performer’ sa Gabinete

March 27, 2023 Paul M. Gutierrez 289 views

PaulBUMAHA” pala ang pagbati kay DILG Secretary Benhur Abalos, mula sa ‘Pamilya DILG’ matapos lumabas sa isang survey na siya ang ‘top performer’ sa Gabinete ni PBBM batay sa kanyang 85 percent ‘performance rating.’

Bagaman hindi pa masyadong kilala itong ‘RP Mission Development (RPMD) Foundation, Inc.,’ na nagsagawa ng survey, naniniwala ang mga miron na malapit ito sa katotohanan, tama kaya, Mandaluyong Mayor Ben Abalos?

Puwede siguro dahil kahit pala ang lider ng DILG Employees Union na si Kieth Lagmay ay nagpadala ng pagbati kay SILG Benhur dahil sa resulta ng survey. Eh, alam naman natin ang mga empleyado sa mga ahensiya ng gobyerno, bilang mga “antigo” sa posisyon, “alam” nila ang mga may ginagawa, nagagawa at nambobola lang nilang mga “bosing.”

Ang RPMD nationwide survey ay isinagawa mula Pebrero 25 hanggang Marso 8, 2023 at mayroong 10,000 adult respondents sa buong bansa at +/1 percent sampling margin error.

Bahagi ito ng ‘Boses ng Bayan’ survey ng RPMD na isang pagsusuri ng performance ng mga pampublikong opisyal gamit ang face-to-face interview.

Kunsabagay, palaging ‘all over the news’ at ‘all over the place’ si Sec. Benhur dahil sa dami ng kanyang mga gawain bilang kalihim at mga problemang dapat harapin dyan sa DILG.

Aber, kahit nga kapakanan ng media, hindi niya nakakalimutan, tama ba, kasamang Joel dela Torre?

Naalala pa natin na matapos mapaslang noong Oktubre 2022 si blocktimer Percy Lapid, agarang nag-utos si Sec. Benhur na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng miyembro ng media at isa pa ngang ‘dialogue’ ang kanyang pinangunahan, kasama ang PNP, sa mga opisyales ng media sa Kampo Crame, kung saan isa tayo, bilang opisyal ng National Press Club (NPC) sa mga nakumbida.

***

Bukod kay SILG Benhur, nakatanggap din ng mataas na rating sina Department of Tourism Secretary Maria Esperanza Christina Frasco (77 percent), Executive Secretary Lucas Bersamin (75 percent), Department of Information and Communications Technology Secretary Ivan John Enrile Uy (75 percent), Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman (73 percent).

Nasa 5-10 puwesto naman sina DFA Secretary Enrique Manalo (71 percent), Labor Secretary Susan ‘Toots’ Ople , DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla at DTI Secretary Alfredo Pascual (68 percent) at DOTr Secretary Jaime Bautista (67 percent).

Ang espekulasyon naman ng mga miron, “kung sakali” kaya na mapanatili ni SILG Benhur ang kanyang magandang trust/performance rating hanggang sa susunod na 2 taon, “puwede” na kaya siyang senador sa 2025 midterm election, hehehe!

Abangan na lang natin!

AUTHOR PROFILE