Robin

Digital access sa Sharia court ipinanukala ni Robin

October 6, 2023 PS Jun M. Sarmiento 253 views

MAGKAKAROON na rin ng digital access ang mga Pilipino sa mga Sharia courts sa sandaling maisabatas ang panukala ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla.

Sa Senate Bill 2462, nais ni Padilla na amyendahan ang ilang probisyon ng Republic Act 9997, ang National Commission on Muslim Filipinos Act of 2009, para mas mapapakinabangan ng mga Pilipino ang serbisyo ng Sharia courts.

“This measure also introduces provisions for the creation of a digital platform that allows the paperless filing of routine documents to and from Shari’a courts, as well as the collection of statistical data for Muslim Filipinos at the national, regional, provincial, city and municipal levels.

To ensure that all citizens of this country are able to access an effective, efficient and non-discriminatory legal system, the passage of this measure is earnestly sought,” sabi ni Padilla.

Ayon sa senador, nahihirapan ang maraming Pilipinong Muslim na maabot ang serbisyo ng Sharia court dahil sa kakulangan sa pondo at kaalaman sa pagsumite ng dokumento.

Isa pang hamon ang kakulangan ng mga Sharia court sa labas ng Mindanao, ayon sa senador.

“Needless to say, these circumstances undermine our country’s commitment to promoting fair and equal treatment to all of its citizens under the law,” ayon kay Padilla.

Sa ilalim ng panukalang batas, magtutulungan ang National Commission for Muslim Filipinos (NCMF), Department of Information and Communications Technology (DICT) at Korte Suprema sa pagbuo ng digital platform para sa “paperless filing” ng mga dokumento tulad ng marriage, birth at death certificates at ang pagkolekta ng karampatang bayad.

Tutulong din ang NCMF sa pagsumite ng mga legal na dokumento sa mga kasong inihain ng mga Muslim Filipino sa Sharia court. Maaari rin itong gumawa ng public private partnership project para sa Muslim Filipinos.

Titiyakin ng Bureau of Legal Affairs ng NCMF na may equitable access ang mga Muslim Filipino sa Sharia court at gagawa ng mekanismo para sa pagsumite ng legal document sa Sharia courts.