
Diesel bababa ng 20 cents/liter; no change sa gas
BABABA ng katiting ang presyo ng krudo per litro pero walang adjustment sa halaga ng gasolina simula Martes ng umaga, ayon sa mga oil firms.
Sa abiso ng PTT Philippines, Total Philippines, Petro Gazz, Unioil Philippines at Phoenix Petroleum, 20 sentimos kada litro ang ibabawas sa presyo ng diesel alas-6:01 ng umaga ng Marso 18 pero no change sa presyo ng gas.
Ganito rin ang price adjustment ng Petron, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, Seaoil at Flying V.
Sa kanilang produktong kerosene, 40 sentimos kada litro ang ibababa alas-6:01 rin ng umaga.
Ang paggalaw sa presyo ng langis sa global market bunsod ng pagtatakda ng mataas na taripa ng Estados Unidos sa Canada, Mexico, at China na nagpapabagal sa paglago ng ekonomiya ng mundo at paghina ng pangangailangan sa petrolyo ng mayayamang bansa.