Diego

Diego: I’m a very happy guy

February 19, 2022 Ian F. Fariñas 159 views

HINDI maganda ang pakiramdam ni Diego Loyzaga nang humarap sa virtual mediacon ng bago niyang pelikula, ang Adarna Gang, na bale showbiz comeback ni Coleen Garcia para sa Viva Films.

Medyo sinisipon at inuubo ang aktor. Duda niya, dahil sa jetlag.

Pero, “secret” ang isinagot ng aktor nang tanungin kung nakauwi na ba siya ng Pilipinas mula sa mahigit isang buwan na pagbabakasyon sa Amerika kasama ang ilang mga kaibigan at kamag-anak.

Lumipad si Diego pa-Amerika bago mag-Bagong Taon. Katunayan, sa online mediacon ng nauna niyang pelikula na The Wife, nabanggit niya na nagugustuhan na niya ang pagtira sa US.

Sa pangungumusta ng showbiz press sa Adarna Gang digicon, sinabi ni Diego na nasa “breaking point” siya ngayon.

“I’m in a very good point. I’m loving my job. I’m loving my career. I’m happy and I had the best vacation of all time. It was so good. I love the States and you know I had plans prior to 2022.

“Well, you know in life sometimes not everything goes to plan so I have to re-assess. I had to see where I want to go again now that things have changed. What I’m gonna do, where I’m working for, what I’m doing all these for like one-year plan, two-year plan, five years (from) now what I’m gonna be,” anang aktor.

Sa Amerika raw niya napag-isip-isip kung ano talaga ang gusto niyang gawin sa buhay.

“It’s very refreshing,” dagdag ni Diego. “I feel like a new me, although physically, right now, I feel sick. I don’t know, I guess it’s the jetlag. I got sipon and a cough but aside from those physical things, my mind is in the right place, my heart is in the right place and I am a very happy guy, so, everything’s good.”

Sa Adarna Gang, ginagampanan ni Diego ang papel ni Diego, ang babaerong bunso ng pamilya na marami pang dapat matutunan tungkol sa pagpapalakad ng isang sindikato.

Bukod kay Coleen, kasama rin niya sa cast sina Mark Anthony Fernandez, JC Santos at Ronnie Lazaro mula naman sa direksyon ng multi-awarded na si Jon Red.

Maliban sa Adarna Gang, magiging mas busy pa si Diego dahil malapit na ring ipalabas ang ikatlong pelikula niya ngayong 2022, ang Greed, na pinagbibidahan nila ni Nadine Lustre para sa Viva Films.

Samantala, ang Adarna Gang ay magsisimulang mapanood via streaming sa Vivamax sa March 11. Maaari itong ma-stream in advance sa Vivamax Plus, ang bagong pay-per-view service ng Viva.

AUTHOR PROFILE