Desiree nanganak na

October 7, 2021 Aster Amoyo 503 views

MAY half-baby brother na ang Kapamilya actor na si Tony Labrusca (26) sa kanyang stepmom, ang Kapamilya actress na si Desiree del Valle (39)at amang actor na si Anthony `Boom’ Labrusca, Sr. (47).

Ang baby brother ni Tony na si Alexander Sebastian Dunham Labrusca ay isinilang last Monday, October 4 ng 2:14 a.m.

Si Tony ay anak ni Boom sa dati nitong karelasyon na si Angel Jones.

Boom and Desiree got engaged in the U.S. nung December 2016 sa Amerika na sinundan ng kanilang intimate wedding in Lake Tahoe, California, USA nung January 14, 2018. After more than three years ay nabiyayaan ang celebrity couple ng isang baby boy.

Sina Desiree at Boom ay unang nagkalapit nang sila’y magsama sa fantaserye na “Aryana” in 2012. Three years later ay muli silang nagkasama sa “Flordeliza” TV series at naulit in 2017 sa “La Luna Sangre” na pinagbidahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

KatarinaKatarina1Katarina manganganak na rin

ANYTIME this month ay nakatakdang isilang ng dating beauty queen-turned actress na si Katarina Rodriguez ang kanyang first baby courtesy of her non-showbiz boyfriend, ang businessman na si Nino Barbers. The couple is expecting a baby boy.

Si Katarina ay isinilang sa Orlando, Florida, USA pero pabalik-balik siya and her family ng US at Pilipinas until they finally decided to stay in Manila. Sa Orlando siya nag-high school kung saan umano siya nakaranas ng bullying. Nagtapos naman siya ng college sa De La Salle University where she finished Business Management and Philosophy. In school ay naging miyembro siya ng Women’s Track and Field team. She is a competitive long-distance runner.

In 2014, si Katarina ay sumali sa second season ng Asia’s Next Top Model where she placed 3rd. 2017 naman nang siya’y sumali sa Bb. Pilipinas and won Bb. Pilipinas-International. She was 1st runner up sa 2017 Miss International pageant held in Tokyo, Japan. The following year in 2018 ay ay sumali siya sa Miss World Philippines at siya ang nakakuha ng crown but failed to make it sa Top 10 ng Miss World competition which was held in Sanya City, China. Ang korona ay nasungkit ng Miss India na si Manushi Chhilar.

It was last August 2021 on her 7th month nang ibahagi ni Katarina ang kanyang pregnancy journey.

Ilan sa mga showbiz friends na sinabihan niya sa kanyang pagbubuntis include Liza Soberano and Enrique Gil, Kylie Verzosa at ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

AikoMga artistang lalahok sa eleksyon dumarami pa

LAST Wednesday, October 6 ay nakapag-file na ng kanyang COC (certificate of candidacy), ang actress-politician na si Aiko Melendez (45) hindi na para congressman ng ika-5th district ng Quezon City kundi bilang konsehal ng nasabing distrito. Ang kanyang nobyong si Zambales Vice Governor Jay Khonghun ang tatakbo sa pagka-kongresista ng Zambales.

Winakasan naman ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanyang pananahimik dahil nag-file na ito last Wednesday ng kanyang COC sa pagka-senador sa ilalim ng tiket nina Sen. Ping Lacson bilang pangulo at Senate President Tito Sotto sa pagka-bise presidente.

Maging ang dating action star-turned congressman ng unang distrito ng Makati na si Monsour del Rosario ay kandidato rin sa pagka-senador. Hindi rin nagpahuli si Robin Padilla na kandidato rin sa pagka-senador. Ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres ay nag-file na rin ng kanilang COC switching their respective positions. Si Ormoc Mayor Richard Gomez ang tatakbo sa pagka-kongresista ng ika-apat na distrito ng Leyte habang si Rep. Lucy Torres-Gomez ang siya naman kandidato sa pagka-mayor ng Ormoc.

Nag-file na rin ng kanyang COC sa pagka-konsehal ng ika-4th district ng Quezon City ang actor at political newbie na si Bobby Andrews.

Sa araw na ito ng Biyernes, October 8 at huling araw ng filing ng COC sa Commission on Elections (COMELEC), tiyak na marami pa ang hahabol sa paghain ng kanilang kandidatura at iba’t ibang posisyon.

BeadomBea si Dom na ang ‘the one’?

IT was only last August 9, 2021 nang aminin ng bagong Kapuso star na si Bea Alonzo (33) ang kanilang relasyon ng Kapamilya actor na si Dominic Roque (31) matapos mag-circulate sa social media ang kanilang photos na kuha sa kanilang one-month vacation sa California, USA last July although matagal nang napapabalita ang kanilang relasyon.

Sa Amerika ipinagdiwang ni Dominic ang kanyang 31st birthday nung July 20 habang magbi-birthday naman si Bea on October 17 at gusto ng actor na i-celebrate nila ito sa beach.

Since magti-34 na si Bea, naniniwala siya na si Dominic na ang `the one’ para sa kanya.

Aljur at AJ magka-holding hands sa isang mall

MUKHANG hindi na lamang `getting to know each other’ ang relasyon ngayon sa actor na si Aljur Abrenica at Viva sexy star na si AJ Raval matapos mamataan ang dalawa na magka-holding hands habang nagsa-shopping sa isang mall. Ang dalawa ay nagkalapit sa isa’t isa sa set ng pelikulang “Nerisa” kung saan tampok na bituin ang dating beauty queen at “Adan” star na si Cindy Miranda at kung saan naman leading man ni Cindy si Aljur. Ang nasabing pelikula ay ipinalabas last July kung kailan pumutok ang hiwalayan nina Aljur at ex-wife niyang si Kylie Padilla. Nadawit pa ang pangalan ni Cindy nang iturong dahilan ng pagkakasira ng (dating) mag-asawa pero agad itong pinabulaan ng dating beauty queen

During the presscon ng movie, inamin din AJ na hiwalay na sila ng actor na si Axel Torres. Ang buong akala pa nga ng marami ay si Sean de Guzman ang bagong manliligaw ng dalaga ng actor na si Jeric Raval dahil nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Taya”.

Kilala si AJ sa pagiging honest sa kanyang mga sagot na kabaliktaran naman ni Aljur.

Sa nakikita ngayon kina Aljur at AJ, mukhang madaling nakapag-move on ang dalawa sa kanilang respective break-ups.

Ang ex-wife mismo ni Aljur na si Kylie ang nagsabi na pareho na silang libre ng kanyang ex-husband na makipag-date sa iba.

Joshua at Jane posibleng ma-develop

SI Joshua Garcia (24) ang leading man ni Jane de Leon (22) sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pamamahalaan ng premyadong director na si Chito Rono. Parehong loveless ang dalawa kaya hindi malayong magka-debelopan ang dalawa in the course ng taping ng serye.

Mahigit dalawang taon nang hiwalay si Joshua sa kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto at wala pa itong bagong napupusuan hanggang ngayon. Habang si Julia ay agad naman nakatagpo ng kapalit sa actor na si Gerald Anderson.

Ang taping ng Darna ay magsisimula next month.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE