Direk & john

Derek winakasan ang friendship kay John dahil kay Ellen

August 14, 2021 Aster Amoyo 468 views

JohnNAKAKALUNGKOT isipin na winakasan na ng athlete-actor na si Derek Ramsay ang pakikipagkaibigan sa longtime friend and golf buddy of seven years na si John Estrada dahil sa hindi pagkakaunawaan na may kinalaman sa fiancée na si Ellen Adarna na co-star ni John sa weekly sitcom ng TV5, ang “John en Ellen.”

Alam ng marami na si John pa ang naging daan ng pagkakakilala nina Derek at Ellen.

Kung tutuusin ay kaya pang ayusin ang gusot sa pagitan ni Ellen at ng production team ng “John en Ellen” gayundin ang isa sa co-stars ng sitcom na si Long Mejia na agad humingi ng dispensa sa engaged couple na sina Derek at Ellen. Ito ay dahil sa maaanghang na salita na kanyang tinuran against Ellen sa inakala niyang nagwu-walk-out sa show.

Bilang co-star at line-producer ng sitcom ay gustong ayusin ni John pero hindi na niya ito nagawa. Nirerespeto naman ni John kung anuman ang naging desisyon ni Derek.

Samantala, wala pang ibinabahagi si John kung magpapatuloy pa ang sitcom ngayong wala na si Ellen na nasa title role.

Ang hindi inaasahang pag-alis ni Ellen sa “John en Ellen” ay nangangahulugan din ng pagkawala ng trabaho hindi lamang ng bumubuo ng cast including Ronaldo Valdez and Long Mejia kundi maging ng production staff na pinangungunahan ng director na si Willy Cuevas.

Kiko at Heaven nagpapalitam na ng sweet messages

CoupleTULAD ng kanyang mga kaanak, nata-tag din ang young actor na si Kiko Estrada bilang`chickboy’ dahil apat na young actresses na ang naging kasintahan nito including Kim Rodriguez, Barbie Forteza, ex-PBB housemate-turned actress na si Devon Seron at ngayon naman sa isa pang ex-PBB housemate -actress na si Heaven Peralejo, ex-girlfriend ng panganay ng Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquiao na si Jimwel Pacquiao.

Hindi na itinatago nina Kiko at Heaven ang kanilang relasyon ngayon dahil nagpapalitan na sila ng `I love you’ sa kanilang respective Instagram accounts gayundin ang pagpu-post ng dalawa ng kanilang mga sweet photos together, isang indikasyon ng kanilang pag-amin sa kanilang relasyon.

Si Heaven ay pamangkin ng dating mga actress, ang magkapatid na Rica at Paula Peralejo.

Michelle at Troy hiwalay na

HIWALAY na ang actress na si Michelle Madrigal (32) sa kanyang American athlete-turned fitness trainer na si Troy Woolfolk na pareho nilang in-announce sa kanilang respective Instagram accounts last Friday. The un-couple are now in the process of their divorce. Pero sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nananatili pa rin silang magkaibigan and co-parenting their almost four-year-old daughter na si Anika Austin na pareho nilang mahal na mahal.

Sa kabila ng paghihiwalay ng dating mag-asawa ay naroon pa rin umano ang kanilang pagmamahal para sa isa’t isa mging sa kanilang respective families. Ayaw na nilang mag-explain kung ano ang naging sanhi ng kanilang break-up.

It was on April 30, 2017 nang i-announce nina Michelle at Troy na magkakaroon na sila ng baby. The actress gave birth nung October 17, 2017 pero nung July 2017 ay engaged na ang dalawa. Nung April 12, 2019 ay nagpakasal ang dalawa sa Austin, Texas kung saan naka-base si Troy.

Julia at Coco unti-unti nang nagiging open

CocoESPESYAL ang actress na si Julia Montes sa kanyang rumored boyfried na si Coco Martin dahil napaka-hands-on nito (Coco) sa pagtuturo sa young actress sa mga fight scenes, gun firing at pagpapatakbo ng motorsiklo bilang paghahanda sa pagpasok nito sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan si Coco ang lead actor, creative director at co-director.
Mukhang mapapasabak nang husto si Julia sa fight scenes sa “Ang Probinsyano” kaya naman tinutukan nang husto ni Coco ang kanyang pagi-ensayo bago ito sumabak sa lock-in taping simula sa susunod na buwan.

Dahil sa madalas na pagsasama lately nina Coco at Julia, mukhang unti-unti na rin nila binubuksan sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Ang dalawa ay magkasama rin sa isang bagong movie na pinamahalaan ng Cannes Best Director na si Brillante Mendoza na kinunan pa sa Pola, Oriental Mindoro.

Hindi lamang ang fans nina Coco at Julia ang excited sa balik-tambalan ng dalawa kundi maging ang bumubuo ng cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at ang Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE