Derek

Derek suspendido bilang aktor ng GMA

January 18, 2022 Aster Amoyo 372 views

NAKA-SUSPEND ngayon ang kontrata ng athlete, actor at businessman na si Derek Ramsay (45) sa GMA dahil hindi pa umano siya ready sa lock-in tapings laluna ngayon na nag-surge ang Covid-19 dahil sa Omicron variant.

Kasama ni Derek sa kanilang bahay ang kanyang senior citizen parents maging ang kanyang three-year-old step-son na si Elias (anak ni Ellen Adarna sa actor na si John Lloyd Cruz) and his 18-year-old son (sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly) na si Austin na gustong i-protect ng actor.

It was on April 3, 2019 nang lumagda ng network contract si Derek sa Kapuso Network but the only TV series na kanyang nagawa sa GMA ay isa pa lamang, ang “The Better Woman” na pinagtambalan nila ni Andrea Torres kung saan nabuo ang kanilang pag-iibigan. Pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan pagkaraan ng ilang buwang relasyon. Ang nasabing serye ay tumakbo sa ere mula July 1, 2019 hanggang September 27, 2019.

Dapat sana’y may second TV project si Derek sa GMA nung nakaraang taon, ang “To Have & To Hold” (September 27, 2019 to December 17, 2021) pero umatras ito kaya siya’y pinalitan ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, at nakasama sina Carla Abellana at Max Collins.

Nag-usap umano ang GMA at si Derek at napagkasunduan ng magkabilang-panig na i-suspend muna ang kontrata ng actor hangga’t hindi pa ito ready na magtrabaho.

Sa panayam ni Derek kay Morly Alinio ng DZRH, inamin din ng actor na meron siyang nakatakdang gagawing international movie kasama ang dalawang Hollywood actors na naka-sched i-shoot sometime in June or July this year in Puerto Rico. Si Derek ang lead actor ng nasabing proyekto.

Habang hindi pa nagbabalik-taping si Derek ay naka-focus siya ngayon sa kanyang buhay may asawa at sa kanyang iba’t ibang negosyo at kasama na rito ang bagong tatag na construction business, ang Tiger Con with his close friend as business partner. Ang kanilang first project ay ang bahay na katapat lamang ng house nila at ang second project naman ay ang bahay ng isa pang business partner sa ibang negosyo.

Ready na rin ang mag-asawang Derek at Ellen na magkaroon ng sarili nilang anak.

Samantala, ipinagpaliban muna ng mag-asawang Derek at Ellen ang kanilang planong honeymoon sa Africa kung saan nila makakasama si Elias dahil sa patuloy ng pagtaas ng virus hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

mariaLDR naging sanhi ng split nina Jose at Maria

DAPAT sana’y magli-limang taon na ngayong February ang relasyon ng Kapuso actor at chef-entrepreneur na si Jose Sarasola at ang popular Japanese-Canadian-French sexy actress at businesswoman na si Maria Ozawa pero hiwalay na ang dalawa bago pa man umabot sa kanilang 5th anniversary.

Ayon sa actor-chef, wala umanong third party sa kanilang break-up kundi dahil lamang sa kanilang long distance relationship (LDR). Sa Japan naka-base si Maria habang nasa Pilipinas naman ni Jose. Ang LDR ng dalawa ay lalong nag-suffer nang magka-pandemya which prevents both of them to travel to Japan at sa Pilipinas due to restrictions.

For now ay gusto muna ni Chef Jose na mag-focus sa kanyang pagiging Kapuso actor, chef at negosyo.

vice‘It’s Showtime’ balik sa live show

MASAYA ang bumubuo ng top-rating noontime program na “It’s Showtime” ng ABS-CBN na pinangungunahan ni Vice Ganda dahil balik sila kanilang live show sa studio last Monday matapos ang sampung araw nilang pahinga. Ang ilan sa kanila ay na-expose sa coronavirus at kailangang mag-isolate o mag-quarantine.

Panay replay ang palabas ng “It’s Showtime” sa loob ng halos dalawang linggo.

Kung sampung araw nag-replay ang “It’s Showtime,” kinumpleto rin ng “TV Patrol” hosts ang kanilang quarantine at pagpapagaling dahil halos lahat ng mga anchor ng news program ay kinapitan at nagpositbo sa virus.

BGYOJL ng BGYO nagpositibo rin

KUNG nag-negatibo na sa virus ang dalawa sa mga miyembro P-pop group na BGYO na sina Mike Claver at Nate Porcalla, nagpositibo naman ang isa pa nilang kasamanan na si JL Toreliza na naka-isolate ngayon.

Dahil sa Omicron variant ng Covid-19, ito na bale ang may mas pinakamaraming nahawaan ng virus sa mga celebrities pagpasok ng bagong taon.

Nakalabas na rin ng pagamutan ang singer na si Morissette Amon at ang kanyang fiancé na si Dave Lamar matapos magpositibo sa virus pero magpapatuloy ang kanilang quarantine sa kanilang bahay. Karamihan ng mga celebrities na nagpositibo sa virus ay sa kanilang mga bahay na lamang nag-isolate at nagpagaling.

nadiaWalong anak mag-isang iginapang ni Nadia

`WONDER woman’ kung tawagin namin ang 49-year-old actress-entrepreneur na si Nadia Montenegro dahil mag-isa nitong iginagapang ang kanyang walong anak (seven biological children plus one granddaughter of her late partner) matapos magkasakit at bawian ng buhay ang kanyang longtime partner, ang dating politician na si Macario `Boy’ Asistio, Jr. na sumakabilang-buhay nung February 6, 2017. Pero dahil sa sipag at tiyaga ay napagtapos niya halos lahat ng kanyang mga anak with a remaining few still in college at ang iba ay nakakatulong na rin sa kanya financially at sa kanilang mga pangangailangan sa bahay.

“Ang mga anak ko ang aking inspirasyon at strength nang mawala ang kanilang ama,” pag-amin ni Nadia who authored a cooking book at isa na ring successful blogger, entrepreneur at TV host.

Si Nadia ay nagsimula bilang teenstar sa bakuran ng Regal Films in the `90s. She has had her share of ups and downs in the business at sa kanyang personal na buhay pero ang lahat ng ito’y kanyang napagtagumpayan dahil na rin sa kanyang strong faith sa Diyos na kanya ring ipinasa sa kanyang mga anak.

Sa walong anak, tanging ang panganay niyang Yssa pa lamang ang may asawa.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and on Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE