Derek

Derek sobrang devastated nang makunan si Ellen

December 12, 2023 Aster Amoyo 314 views

Derek1Derek2BeautyTULAD ni Matteo Guidicelli na gusto na ring magka-baby sa wife niyang si Sarah Geronimo, wish din ng actor, athlete and entrepreneur na si Derek Ramsay na magkaroon na sila ng anak ng wife niyang si Ellen Adarna at maisasakatuparan na sana ito kung hindi ito nagka-miscarriage only recently. Ito’y personal na inamin ng actor sa presscon ng kanyang comeback movie (since 2019), ang Metro Manila Film Festival entry, ang horror movie na “Kampon” opposite Beauty Gonzales at pinamahalaan ni King Palisoc under Quantum Films.

Ayon kay Derek, magkakasama umano sila sa Spain with his mother na doon nag-celebrate ng kanyang birthday nang malaman nilang buntis si Ellen. Pero ang kasiyahang `yon ay panandalian lamang dahil hindi nagtuluy-tuloy ang pagbubuntis ng misis ng actor. Pagbalik nila ng Pilipinas ay diretso umano sila ng hospital at doon nalaman na nagka-miscarriage si Ellen.

Hanggang ngayon ay lutang pa rin ang pakiramdam ni Derek sa pagkawala ng magiging first baby sana nila ni Ellen. Pero patuloy siyang umaasa na mabibiyayaan pa rin sila ng kanyang wife ng anak, hopefully sa isang taon.

With Austin (his 21-year-old biological son sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly) and stepson na si Elias (son of Ellen sa ex-boyfriend nitong actor na si John Lloyd Cruz) whom he considers his own son as well at wife na si Ellen ay masaya na si Derek. Pero pangarap pa rin nilang mag-asawa na magkaroon ng sariling anak at umaasa ang actor na sana’y mabiyayaan sila ng girl.

It was in 2021 nang mag-desisyon si Derek for a semi-retirement in showbiz to focus on his family and business pero hindi lamang umano niya matanggihan ang producer ng Quantum Films na si Atty. Joji Alonzo na siyang producer ng “Kampon” lalupa’t maganda umano ang material at first time din nilang magsama sa movie ng best friend ng kanyang misis na si Beauty Gonzales.

Ang Quantum Films ni Atty. Joji ang nag-produce ng dalawang pelikula na parehong pinagtambalan nila ni Jennylyn Merco na parehong kalahok sa Metro Manila Film Festival, ang “English Only Please” (na nakapagbigay ng Best Actor Award mula sa MMFF kay Derek) at “All of You”.

Ang huling TV series na ginawa ni Derek ay ang “The Better Woman” ng GMA nung 2019 kung saan nabuo ang pag-iibigan nila ng kanyang ex-girlfriend na ngayon na si Andrea Torres habang last movie naman niyang ginawa ang “Mga Mata sa Dilim” also in 2019.

Ang “Kampon)” ay pangatlong proyekto na bale ni Derek sa bakuran ng Quantum Films and his first team-up with Beauty Gonzales with whom he shares intimate scenes with.

Lester abala pa rin bilang adult actor

LesterNATUTUWA kami sa dating award-winning child actor na si Lester Llansang (of the movie “Saranggola”) na ito’y aktibong muli sa kanyang showbiz career as an adult performer.

May sarili na ring pamilya ngayon si Lester. When not busy sa kanyang acting career ay pinagkakaabalahan nito ang kanyang pagiging singer, writer at musician.

Si Lester ay kasama sa sexy movie na “Higop” na siyang launching movie ng sexy star na si Angelica Hart kung saan tampok din sina Josef Elizalde, ang Brazilian-Japanese actor and entrepreneur na si Fabio Ide, Zsara Laxamana at iba pa na pinamahalaan ni Topel Lee. Ito’y palabas sa Vivamax streaming app simula sa araw na ito ng December 13.

Naging bahagi rin si Lester sa top-rating and longest-running action drama series ni Coco Martin on ABS-CBN, ang “FPJ’s ang Probinsyano” maging ang “Suntok sa Buwan” series ng TV5.

Fabio Pinoy ang pakiramdam

FabioALTHOUGH siya’y isinilang at lumaki sa Sao Paulo, Brazil, Fabio considers the Philippines as his second home dahil narito umano sa bansa ang kanyang pamilya at maraming magagandang opportunities na dumating sa kanya.

Although ang unang plano niya was to pursue a modeling career here, nagbukas ito sa kanya ng mas marami pang opportunities at kasama na rito ang pagpasok niya sa showbiz, pagkakaroon ng maraming kaibigan dito at maging ang pagne-negosyo.

Bukod sa kanyang 9-year-old daughter na si Dannie kay Dennise Oca (daughter of veteran actress Melissa Mendez), the BraPanese actor has four-month old twin daughters sa kanyang present partner na si Ellen Frojd na sina Maya at Luna na parehong ipinanganak na premature babies and had to stay at the Neonatal Intensive Care Unit (NICU) ng Makati Medical Center sa loob ng 50 days bago nila ito naiuwi sa bahay.

Ayon sa actor-model, ito umano ang pinaka-challenging part sa kanila ng kanyang partner dahil araw-araw nila ang mga ito pinupuntahan sa hospital to bring milk at iba pang needs ng mga bata. Pero masayang-masaya umano sila ngayon na kapiling na nila ang kanilang twins na malulusog na.

Ang twin daughters ay advance Christmas gift sa mag-partner na Fabio at Ellen at advance birthday gift na rin sa actor—model who will be celebrating his birthday on December 26.

Next year, plano ni Fabio na dalhin ang kanyang twins sa Brazil para makita ng kanyang family, relatives and friends doon. Nasa bansa naman ngayon ang parents ni Fabio na makakasama nilang mag-celebrate ng Christmas and his birthday dito.

Samantala, sa pelikulang “Higop” ay pumayag na rin na magpa-seksi si Fabio na wala namang problema sa kanya pero huwag lamang daw frontal nudity.

Bago ang “Higop,” siya’y napanood sa nagtapos na hit primetime TV series na “Iron Heart” na pinagbidahan ni Richard Gutierrez.

Direk Daryl abala na naman

DarylDaryl1EXCEPT for Jomari Yllana, magkakasama sa pelikulang “Para Kang Papa Ko” ang dating miyembro ng Guwapings na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jao Mapa along with Nikko Natividad and Ruby Ruiz mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap na palabas ngayong araw ng Miyerkules, December 13 sa mga sinehan under Viva Films. Ang nasabing movie ay nagkaroon ng successful red carpet premiere night sa Cinema 2 ng SM Megamall last Monday evening, December 11 na personal na dinaluhan ng bumubuo ng cast.

Ipinakita sa pelikula ang kakaibang pagmamahal at sakripisyo ng mag-amang ginampanan nina Mark Anthony at Nikko Natividad (who played the role ng isang gay son) gayundin ang suporta na ipinakita ng mga characters played by Eric, Jao at Ruby gayundin nina Zeus Collins, Kid Yambao at iba pa.

Ang pelikulang “Para Kang Papa Ko” ay 15th directorial movie na ni Direk Daryl na siya ring sumulat ng lahat ng kanyang ginagawang pelkula na kanyang sinimulan in 2017 sa pamamagitan ng “Squatterina” na sinundan ng “Jowable” in 2019. Sumunod dito ang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na siyang unang pelikula sa bagong simulang streaming app na Vivamax. Ito’y sinundan ng “Tililing,” “Ang Babaeng Walang Pakiramdam,’ “Gluta,” “Revirginized,” “69 + 1,” “Ang Manananggal na Nahahati ang Katawan,” “Sarap Mong Patayin,” “Barumbadings” at “Pornstar 2: Pangalawang Putok”. Balik-sinehan naman ang hit political drama movie na “Maid in Malacanang” nung 2022 na sinundan early this year ng “Martyr or Murderer”.

Inaasahan na sa pagpasok ng taong 2024 ay magiging punong abalang muli si Direk Darryl sa paggawa ng pelikula for Viva Films and Vivamax.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE