
Derek, naka-relate sa role ng lalaking baog
Bagama’t nakunan ang misis niyang si Ellen Adarna sa kanilang first baby kamakailan, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Derek Ramsay na makakabuo sila ulit at positibo siya na mangyayari ito next year.
“So, ‘yan talaga ang wish. ‘Yan na lang talaga ang kulang sa life ko. I’m very blessed and I’m really in a good spot right now and ‘yun na lang talaga ang kulang,” sey ni Derek sa mediacon ng pinagbibidahang Metro Manila Film Festival 2023 entry na Kampon.
Sa Spain nila nalamang buntis si Ellen pero three weeks lang ang itinagal dahil nagkaroon na ng spotting ang aktres and sadly, they lost the baby.
Aminado ang aktor na wala pa siya sa sarili at pinoproseso pa ang nangyari.
“Medyo hindi ko alam kung ano yung mapi-feel. Kasi rollercoaster, eh. Super happy, biglang lowest of the low.
“So she’s pregnant, she’s not pregnant. ‘Di masabi ng doktor na hindi pa talaga siya malalaglag, you know. So, ang daming tanong na hindi masagot,” ani Derek.
Dito na sa Pilipinas nila nakumpirma na nawala na nga ang baby.
“Paglapag namin galing Spain, diretso na kami sa hospital, ultrasound. So, it’s super, super rollercoaster of emotions. But priority is, Ellen is okay. She’s safe, and ‘yun. Good thing is, at least now, we know that we can still have a baby,” aniya.
Bale ba, ang role ni Derek sa Kampon ay isang lalaking baog na siyang problema nila ng asawa na ginagampanan ni Beauty Gonzalez. Naka-relate nga siya dahil inakala niyang baog siya.
At least, ngayon ay nalaman niya na hindi pa siya baog kaya definitely ay makakabuo pa sila ni Ellen.
Samantala, showing na ang Kampon sa Dec. 25 mula sa direksyon ni King Palisoc under Quantum Films.