Derek & Ellen

Derek at Ellen, namumudmod ng mamahaling bulaklak at wedding invitation

September 22, 2021 People's Tonight 339 views

NAMUMUDMOD na ng wedding invitation sina Derek Ramay at Ellen Adarna.

Ipinakita nila sa kanilang social media accounts ang wedding invitations na ipamimigay with matching flowers sa mga bibigyan.

Isa sa mga nakatanggap ng wedding invite ay ang lawyer-producer-director na si Atty. Joji Alonso.

Mamahalin ang bulaklak na kalakip ng invite. Ipinakita ito ni Atty. Joji sa followers at kahit wala siyang sinabing okasyon, sa kasal ‘yon nina Derek at Ellen.

Malaki ang naging bahagi ni Atty. Joji sa showbiz career ni Derek.

BIRTHDAY GIVEAWAY

HIGIT na pinili ni Senator Bong Revilla Jr. na mamahagi ng tulong at papremyo sa kaarawan niya gaya ng ginawa niya last year kesa makasama ang pamilya at mga kaibigan.

Babalik sa Facebook Live si Senator Bong via “Kap’s Amazing Birthday Giveaways” na mangyayari sa kaarawan niya mismo sa September 25 at 26.

Santambak na gadgets, laptop, cellphones at iPad, pangkabuhayan showcase at cash prizes ang nakalaan bilang tulong sa sambayan kahit saang sulok ng bansa ang mabibiyayaan.

Sa mga gustong sumali, mag-fill-out lamang ng form sa Google at isumite sa social media accounts ni Sen. Revilla.

Kailangan ding mag-subscribe sa kanyang YouTube channel at i-click ang notification bell upang siguradong updated sa kanyang pa-giveaways.

Advance happy birthday, Senator Bong!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE