Derek at Ellen nagdiwang ng first anniversary

April 1, 2022 Aster Amoyo 363 views

LAST Wednesday, March 30 ay ipinagdiwang ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang first anniversary ng kanilang engagement. The couple got engaged barely two months matapos maging sila. They became officially on nung February 4, 2021 matapos silang mag-dinner sa bahay mismo ng actor-athlete and businessman nung January 11, 2021 kasama ang ilang kaibigan including Ruffa Gutierrez at John Estrada. And eight months after their engagement ay nagpakasal ang dalawa sa isang sunset wedding at Rancho Bernardo Luxury Villas Mountain Resort in Bagac, Bataan nung nakaraang November 11, 2022. The couple had their belated honeymoon on a safari in Tanzania kasama si Elias, ang three-year-old son ni Ellen sa kanyang ex-boyfriend, ang actor na si John Lloyd Cruz* na si Elias.

The couple makes it point na sini-celebrate nila ang mahahalagang araw magmula nang maging sila.

ZanjoeJCBela challenging ang first directorial job

SA kauna-unahang pagkakataon ay magkakasabay na humarap sa isang digital presscon ang writer, director, actress at producer ng pelikulang “366” na si Bela Padilla kasama ang dalawa niyang leading men na sina Zanjoe Marudo at JC Santos.

Ang “366” ay directorial debut ni Bela na siya rin mismo ang sumulat at lead star kaya sobrang napaka-special ng nasabing proyekto sa kanya lalupa’t leading men niya ang dalawang actor na close sa kanya at nakatrabaho na niya in the past lalung-lalo na si JC na makailang beses na niyang nakapareha.

Ayon kay Bela, naging inspiration niya ang isang Filipino couple she met in Maldives nang sulatin niya ang “366” on a leap year. Isa itong romantic-tragedy film.

“I love being in love and the idea of being in love,” ito ang sambit ni Bela during the zoom con.

Hindi lamang personal experience ni Bela tungkol sa love kundi maging sa kanyang mga kaibigan at sa ibang tao at ang mga ito ang nagiging inspirasyon niya sa kanyang pagdidirek.

Ibinahagi ni Bela ang kanyang naging karanasan during the early part ng movie nakakalimutan umano niya na siya pala ang director bukod sa kanyang pagiging lead actress. Sa umpisa ay nakaramdam umano siya kaba at sa halip na sabihin niya ang “lights, camera, action” ay dumiretso umano siya sa action kaya hindi nag-roll ang lights at camera. Pero ang mga sumunod na eksena ay madali na umano lalupa’t naroon din ang kanyang kaibigang director na si Irene Villamor na siya ring creative director ng pelikula.

Ayon kay Bela, hindi naging madali kundi naging challenging sa kanya ang kanyang “366” project dahil unlike her past projects na naka-focus lamang siya sa character na kailangan niyang i-portray, unlike now na siya rin ang sumulat at director ng pelikula. It’s also her first time to direct her co actors na sina Zanjoe at JC na all praises sa kanya in her directorial debut.

Samantala, inamin ni Zanjoe na kailangan umano niyang makipagsabayan kina JC at Bela na established na ang tandem although nagkatambal sila ni Bela sa “My Dear Heart” TV series ng ABS-CBN.

Although na-link noon sina Zanjoe at Bela, never umano naging sila kundi magkaibigan lamang sila gayundin sina Bela at JC.

JC is now happily married and with a two-year-old daughter habang si Bela ay may boyfriend, ang Swiss-Italian na si Norman Ben Bay habang si Zanjoe ay tila quiet ang lovelife ngayon.

Although sa London na naka-base si Bela, hindi umano ito magiging hindrance sa kanyang patuloy na paggawa ng pelikula either bilang writer-actress or writer-actress-director or just plain actress because she can always fly over to the Philippine to make it happen.

“366” will be premiered on Vivamax streaming app on April 13 na susundan ng world premiere on April 15.

DiegoDiego1Nadine iba na ang gustong gawin sa career

NAGKAROON man ng kaunting problema ang singer-actress, music video director at celebrity endorser na si Nadine Lustre with her home studio, ang Viva, all things were ironed out sa kanilang pagitan and moving forward to doing more projects bagay na ikinatutuwa na supporters ng singer-actress. During the virtual presscon ng pelikulang “Greed” na sinulat at dinirek ni Yam Laranas at tinatampukan din nina Diego Loyzaga at Epy Quizon, inamin ni Nadine na gustung-gusto umano niya ang nasabing suspense-thriller movie dahil kakaiba umano ito kumpara sa mga pelikulang nagawa na niya in the past.

“It’s an out of the box project na siyang gusto kong gawin,” pag-amin ni Nadine sa kanyang comeback movie.

“Given the opportunity, mas gusto ko nang gumawa ng mga project na hindi naka-box. Mas gusto ko yung mga challenging roles,” pahayag ng award-winning actress at ex-girlfriend ni James Reid naka-focus ngayon sa kanyang music career.

Inamin din ng singer-actress na nag-mature na rin umano ang kanyang pananaw sa buhay pati pa rin sa larangan ng kawanggawa.

The singer-actress has a house built in Siargao kung saan din naka-base ngayon ang kanyang Filipino-French businessman boyfriend na si Christophe Bariou.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE