Frasco2 House Deputy Speaker at Cebu 5th District Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco

Deputy Speaker Frasco namigay ng ayuda sa Camotes Island

June 14, 2024 Mar Rodriguez 132 views

NAGBIGAY si House Deputy Speaker at Cebu 5th District Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco ng P3.7 milyong ayuda para sa mga libong residente ng Camotes Island sa Poro at iba pang karatig lugar nito.

Personal na tinungo ni Frasco ang Poro para mamahagi ng tinatayang P3.7 milyong tulong para sa 791 residente ng Camotes Island sa pamamagitan ng Camotes Transport Sector mula sa Poro, San Francisco, Tudela at Pilar.

Sinabi ni Frasco na sa mga ganitong pagkakataon, hindi niya nararamdaman ang pagod dahil kapag nakikita niya na maraming tao ang nakikinabang sa ipinamamahagi niyang tulong ay lalo pa siyang ginaganahan.

Bukod dito, nagbigay din ang Deputy Speaker ng P300,000 para sa Electrification Assistance para sa mga residente ng Sitio Lantawan, Barangay Esperanza at Poro na magpa-hanggang ngayon ay wala pa ring maayos na suplay ng kuryente.

Paliwanag ni Frasco, ang programang ito’y naglalayong maisaayos ang suplay ng kuryente sa nasabing lugar sa tulong ng Camotes Electric Company (CELCO).

“This program will be undertaken in coordination with the Camotes Electric Company (CELCO) who will be providing the manpower and labor component,” sabi ni Frasco.

AUTHOR PROFILE