Default Thumbnail

DepEd, tutulungan 7 estudyante sa Leyte

June 19, 2023 Zaida I. Delos Reyes 136 views

Matapos masabugan ng ethyl alcohol

NANGAKO ang Department of Education (DepEd) sa Leyte na tutulungan nila ang mga estudyanteng nasugatan sa pagsabog ng ethyl alcohol sa loob ng Capoocan Central School.

Prayoridad ng DepEd ang pangangailangan sa hospital ng mga batang nasugatan gayundin ang pakikipag-usap sa pamilya ng mga ito.

Nag-alok din ang DepEd ng tulong para sa psycho-social support services para sa mga naapektuhang estudiyante.

“We understand that this incident has caused concern and anxiety within the division. We want to assure the public that we are committed to maintaining a safe and secure learning environment for all our learners,” pahayag ng DepEd.

Ang mga biktima ay nasugatan nang aksidenteng masindihan ng kanilang kaklase ang ethyl alcohol sa loob ng kanilang classroom noong Hunyo 15.