Dentista sa Nagcarlan, bistado sa ‘rape’

April 12, 2022 Gil Aman 466 views

KASONG rape ang posibleng kaharapin ng isang dentistang lumapastangan sa babaeng kliyente nito na magpapabunot sana ng ngipin sa loob ng kanyang klinika sa bayan ng Nagcarlan, Laguna araw ng Biyernes.

Pansamantalang hindi muna pinangalanan ni PMajor Joemar Pomarejos, hepe ng Nagcarlan Police ang itinuturong suspek habang isinasampa pa sa piskalya ang kaso.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, ang kasong rape na ipinagharap ng kanyang kliyenteng babae na itinago sa pangalang “Leni”, ng ito ay magtungo sa dental clinic ng suspect sa J Coronado St., Bgy. Poblacion 1, ng naturang bayan.

Sinasabing nagtungo ang biktima sa dental clinic kasama ang employer nito upang i-fix ang denture nito.

Dakong 12:15 ng hapon ng paupuin sa dental chair ang biktima subalit sa halip na silipin ang ngipin na nag-umpisa itong hawakan at sapilitang ginahasa ang biktima.

Dahil sa pananakot ay nagawang naisagawa ang kagustuhan ng suspek.

AUTHOR PROFILE