Dennis

Dennis sa reunion movie nila ni Jennylyn: Mahirap ’yung masyadong nagmamarunong

February 14, 2025 Vinia Vivar 189 views

Taong 2010 pa nang huling magkasama ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa pelikulang “Rosario” and that time ay mag-boyfriend-girfriend pa lang sila.

Kaya naman sobrang happy ang dalawa na after 15 years ay muli silang mapapanood sa big screen, this time, sa isang romantic-comedy film na “Everything About My Wife.”

Sa mediacon na ginanap last Thursday ay natanong ang mag-asawa kung ano ang difference ng working relationship nila ngayon matapos ang 15 taon.

Ayon kay Dennis, napansin niya na mas seryoso at committed na sila sa trabaho. At dahil na rin siguro ito sa nag-mature na sila pareho.

Dagdag ng aktor, “So ngayon, napansin ko na hindi na kami masyadong nag-aaway, mas nakokontrol namin ang emotions namin dahil mas matured na at professional kami at mayroon na kaming respeto sa mga trabaho ng isa’t isa.”

Ayon naman kay Jen, nakakatulong din na pinag-uusapan nila ni Dennis ang mga eksenang gagawin.

Dagdag ni Dennis, “Ngayon kasi, mas nakakapag-usap na kami, mas nakakapag-suggest na kami. Kumpara dati, ‘pag ginawa ko ‘yun, baka sabihin, ‘sobrang nagmamarunong ‘to, ‘kala mo naman kung sinong magaling ‘to.’ Pero ngayon, siyempre, mag-asawa na kami, mas naiintindihan na niya na siyempre, pinapaganda lang naman namin. Pero siyempre, tsine-tsek ko rin kung nasa mood siya kasi siyempre minsan, mahirap ‘yung masyadong nagmamarunong.”

Tawa naman nang tawa si Jen sa sinabi ng mister.

Kasama ng JenDen sa movie si Sam Milby, na nakasama na ni Jen noong 2015 sa pelikulang “The PreNup.”

Ayon kay Sam, dahil mag-asawa kaya niya tinanggap ang pelikula.

First time rin nila ni Dennis na magkatrabaho.

“For the first time na magkasama kami ni Mr. Dennis Trillo, such a pleasure also. I relate to him kasi I feel like we’re the same na medyo may pagka-quiet na introvert but super-bait ni Dennis and it was such a pleasure working with the two of them,” sey ni Sam.

Ang “Everything About My Wife” ay adaptation ng 2008 Argentine film na “Un Novio Para Mi Mujer (A Boyfriend for My Wife).” Nagkaroon din ito ng iba’t ibang version sa South Korea, Mexico, Chile, Italy, India at Spain.

Mula sa direksyon ni Real Florido, showing na ang “Everything About My Wife” sa mga sinehan simula Feb. 26.

AUTHOR PROFILE