Dennis

Dennis panalo rin sa Venice filmfest

September 13, 2021 Aster Amoyo 300 views

Dennisdennis1NAKALULUNGKOT na hindi personal na natanggap ni John Arcilla ang kanyang trophy bilang best actor sa gabi ng parangal ng 78th Venice Film Festival, a first for a Filipino actor, dahil ito’y nasa lock-in ng long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano.” Ito ay para sa “On The Job: The Missing 8” na dinirek ni Erik Matti. Pero naroon ang co-actor ni John sa pelikula na si Dennis Trillo along with the director of the movie na si Erik Matti, ang co-producer ng pelikula ng Reality Entertainment na si Dondon Monteverde at ang director at kinatawan ng Globe Studios na si Quark Henares (as co-producer of the movie) at Stacey Bascon to witness the event. Si Direk Erik ang tumanggap ng Volvi Cup as Best Actor for John pero ang Kapuso actor naman na si Dennis and his group naman ang naka-witness at naka-experience na makihalubilo sa international actors (including Hollywood luminaries), directors, producers at iba pang production personalities during the event na nagtapos last Saturday, September 11.

Hindi man nakapag-uwi ng trophy si Dennis, ramdam niya ang panalo ni John (in absentia) at ng buong team ng “On the Job: The Missing 8” sa awards night. Naranasan din ng Kapuso actor ang maki- hobnob with internationally- known personalities tulad ng presidente ng board of jurors ng 78th Venice Film Fetival, ang South Korean and international director na si Bong Joon-ho na hiningan pa ng actor ng autograph. Si Bong Joon-ho ang nagdirek ng 2019 hit movie na “Parasite” at iba pang pelikula tulad ng “Okja” in 2017 “Searching for Bong” in 2015, “Nevoa no Mar” ni 2014, “Snowpiercer” in 2013, “Mother” in 2009, “Tokyo” in 2008, “The Host” in 2006 at marami pang iba.

“You were great!” personal na papuri ng South Korean director kay Dennis who played Roman Rubio in the movie “On the Job: The Missing 8” alongside John who played Sisoy Salas.

“We were told there could have been two Volpi Cups. @johnarcilla and @dennistrillo could have been on stage for the same award. Both did an exemplary award,” pahayag ni Direk Erik Matti on his FB post.

Ang pakiramdam ni Dennis ay nagmistula siyang `fan boy’ at the awards night ng Venice Film Festival. Nakatanggap din siya ng mga papuri mula sa ibang foreign personalities tulad ng actors na sina Cynthia Erivo at Sarah Gadon at ang German director na si Alexander Nanau and had photo ops with the “Nomadland” Chinese filmmaker na si Chloe Zhao. Ang pakiramdam ng actor sa pagkakataon na `yun ay ka-level na niya ang mga Hollywood at international greats.

The experience was unexplainable para sa Kapuso actor.

Ang pelikulang “On the Job: The Missing 8” ay released on mini series format ng HBO Asia simula nung nakaraang Linggo, September 12 alongside the first film, “On The Job” na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Gerald Anderson na dinirek din ni Erik Matti and was released in 2013.

AngelAngels FatherAma ni Angel lumalaban sa Covid 19

MATINDI ang pinagdadaanan ngayon ng 36-year-old Kapamilya star and philanthropist na si Angel Locsin dahil nag-positibo sa Covid-19 ang kanyang 94-year-old blind father na si Angelo Colmenares.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Angel last Sunday ang larawan ng kanyang ama sa loob ng ambulance na dadalhin sa pagamutan. As what everybody knows, mag-isa lamang ang Covid patient sa hospital na walang bantay na allowed except for the doctors, nurses and other medical workers na may access sa pasyente.

“It’s been a week of feeling helpless. Imagine having Covid at 94. Now imagine being blind I unfamiliar surroundings,” post ni Angel.

“So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass,” patuloy pa niya.

Agad naman nagpaabot ng kanilang panalangin at suporta kay Angel at sa kanyang ama ang kanyang best friend na si Dimples Romana, Judy Ann Santos, Marian Rivera, Bianca Gonzales, Bubbles Paraiso at marami pang iba.

Al napagsasabay ang pagiging actor at direktor

TULAD ng veterans and award-winner actors and directors na sina Laurice Guillen, Gina Pareho at Ricky Davao, kaya ring pagsabayin ng actor-director na si Al Tantay ang kanyang career bilang actor at director. He is an actor sa tumatakbong series ng GMA, ang “Legal Wives” at director naman siya ng soon-to-be-released movie on Vivamax, ang comedy film na “Shoot! Shoot!: Di Ko Siya Titigilan” na nakatakdang ipalabas sa darating na Oktubre 1. Ang nasabing pelikula ay tinatampukan nina Andrew E., AJ Raval, Sunshine Guimary, Juliana Parizcova Segovia at Wilbert Ross.

Si Al ay discovery ng yumaong writer-director ng Regal Films na si Joey Gosiengfiao and was launched sa pelikulang “Iskandalo” in 1979 na kanilang pinagtambalan ng award-winning actress na si Lorna Tolentino. It was in 1987 nang gampanan ng actor ng kanyang unang villain role sa action-drama movie na “Humanda Ka, Ikaw ang Susunod” na pinagbidahan ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Sa telebisyon naman ay nakilala siya bilang isang komedyante sa sitcom na “Duplex” at sa gag show na “Goin’ Bananas” na pinagsamahan nila noon nina Christopher de Leon, Edgar `Bobot’ Mortiz and the late Ilagan and Johnny Delgado.

Naidirek naman si Al noon ng National Artist na si Ishmael Bernal sa pelikulang “Gamitin Mo Ako” nung 1985 kung saan niya nakasama sina Rita Gomez at ang baguhan pa noon na si Stella `Pinky’ Suarez under VH Films.

As film director, si Al ang director ng “Mana-Mana, Tiba-Tiba,” “S2pid Love,” ‘A.B. Normal College,” “Juan & Ted: Wanted,” “Banyo Queen,” “Baliktaran: Si Ace at si Daisy,” “Sangago’t Sanggago” in 2001 na nagkaroon ng sequel in 2019 sa “Sanggano, Sanggago, Sanggwapo” at ang 2020 Metro Manila Film Festival movie na “Pakboys Takusa”. Siya rin ang nag-direk sa telebisyon ng gag show na “Tropang Trumpo” ng ABC5 (now TV5), “Lokomoko” at “Sugo mga Kapatid” on TV5.

Ex-wife ni Al ang veteran actress na si Rio Locsin kung kanino siya may dalawang grown up daughters na sina Paula at Jabba Tantay.

AJ most in-demand Viva sexy star

WALANG alinlangan na ang 26-year-old sexy star na si AJ Raval ang pinaka- in-demand among the sexy talents of Viva matapos siyang ipakilala sa hit movie (on Vivamax streaming) na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap. Ito’y agad sinundan ng mga pelikulang “Death of A Girlfriend” na pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga, ang “Nerisa” with Cindy Miranda sa title role at ang “Taya” na pinagtambalan nila ni Sean de Guzman. Ang “Shoot! Shoot!: Di Ko Siya Titigilan,” isang sexy comedy movie ay panglima na niya bale for this year.

“Sobra po akong nagpapasalamat sa Viva dahil sa patuloy nilang tiwala sa akin laluna po si Boss Vic (del Rosario),” pahayag ng isa sa 18 anak ng dating action star na si Jeric Raval.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on my Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE