Dennis pagpapraktisan si Jennylyn
Kinukumbinsi pala ni Jennylyn Mercado ang mister niyang si Dennis Trillo na magdirek na rin.
Bilang isang magaling na aktor naman si Dennis, malaki nga ang posibilidad na maging isang magaling din siyang direktor.
Inamin ni Dennis na dream niya talagang maging director.
“Noon pa, pero ayoko lang madaliin, eh,” sey ng aktor in a recent media interview. “Siyempre, marami pang kailangang matutunan. So, hangang ngayon, patuloy pa ring nag-aaral.”
Asked kung si Jen ba ang una niyang ididirek, hirit ng aktres, “Music video.”
Dagdag ni Jen, baka si Dennis ang magdirek ng music video ng latest single niya sa Star Music.
“Hindi natin masabi. Kung mapapapayag ko siya,” sambit ni Jen.
Meantime, busy ang mag-asawa sa kanilang bagong tatag na movie production, ang Brightburn Productions at first produced movie nila ang “Green Bones,” isa sa official entries sa 50th Metro Manila Film Festival.
Sobrang excited nga ang JenDen na kung dati ay artista lang sila sa mga pelikula, ngayon ay nasa production side na sila.
“Nakakakilig,” sey ni Jen. “Kasi, ‘di ba, dati kaming artista, umaarte lang kami sa productions. Kinukuha kaming artista sa mga productions. Ngayon kami na ‘yung…”
Salo naman ni Dennis, “Ngayon, masaya kasi ‘yung mga ideas namin, nabo-voice out na namin, nama-materialize namin talaga to projects na talagang mga gusto naming noon pa gawin na hindi namin nagawa noong mga artista kami.”
Dagdag pa ng aktor, “So, ito ‘yung parang naging chance namin na mangyari ‘yung mga gusto naming mangyari na projects na dati pa naming ine-envision.”
At bilang nagsisimula pa lang silang producer, ang isa sa malaking challenges nila so far ay ang pamimili ng tamang materyal na ipo-produce.
“Sa dami nun’g mga nagpi-pitch ng projects, siyempre, kailangan din naming pilling mabuti ‘yung mga gagawin namin,” sey ni Dennis.