Dennis

Dennis nagpunta sa Sydney para makita ang mga anak

September 13, 2024 Vinia Vivar 87 views

Hindi maitago ni Dennis Padilla ang kanyang kasiyahan nang makita at makasama niya ulit ang dalawang anak na sina Gavin at Maddie after four years.

Sina Gavin at Maddie ay anak ni Dennis sa dating partner na si Linda Marie Gorton, isang Filipino-Australian.

Naghiwalay sina Linda at Dennis noong 2020 at nagtungo ng Australia ang una kasama ang dalawa nilang anak para roon na manirahan. Since then ay hindi na nakita ng komedyante ang kanilang anak.

Sa recent Instagram post ni Dennis ay makikitang nagtungo siya sa Sydney para makita’t makasama ang dalawang anak.

Nag-post ang aktor ng picture ang aktor kasama sina Gavin at Maddie at sey niya sa caption, “After 4 long years… Nayakap ko muli ang aking mga anak… Love you both Gavin N Maddie… Saying goodbye was the hardest.”

Sa isang larawan naman niya with Maddie ay madamdamin ang kanyang naging mensahe.

“Dearest Maddie…. Tagos sa aking puso na muli kang mayakap… After 4 long years…. God bless you more anak,” saad ni Dennis.

May photo rin sila ni Gavin at mensahe naman niya, “My dearest Gavin Simeon…. You grew so fast… The way you talk..move and think… Love you my son… Umagos ang aking mga luha ng mayakap kita muli… Apat na taon…. Salamat sa Diyos.”

Noon pa nababanggit ni Dennis sa mga panayam at maging sa IG posts na miss na miss na niya sina Gavin at Maddie. Kaya naman marami rin ang na-happy for him sa reunion niya with the kids.

AUTHOR PROFILE