Dennis

Dennis, misteryoso para kay Bea

September 18, 2023 Vinia Vivar 191 views

Aminado si Bea Alonzo na nailang siya sa leading man niya sa Love Before Sunrise na si Dennis Trillo noong first taping day nila.

“’Yung first day sa set namin, sa totoo, may ilangan. Ako, medyo naiilang ako kasi we had to do scenes na dapat kami na, nasa relationship na kami. Parang at first, medyo mahirap siya kasi siympre kailangan niyo muna makilala ulit ‘yng isa’t isa,” sey ni Bea sa mediacon ng kanilang serye.

Good thing, nanaig ang kanilang pagiging professional actors kaya naging maayos ang kanilang mga eksena.

“But then we’re professional actors so we got over that easily. We had to, to make the scene work. I just feel na nakatulong din ‘yun, kasi nga sabi ko kanina, may sense of him being familiar to me.

‘Yung tingin niya, ‘yung hawak niya, somehow I feel familiar,” aniya.

Sabay kasing ni-launch sina Bea at Dennis sa ABS-CBN bilang bahagi ng Star Circle Batch 10.

After 20 years, heto’t nagkita silang muli sa GMA-7 at nabigyan ng pagkakataon na magkapareha sa isang serye.

“I guess ‘yung mystery, kasi I think he’s very mysterious, I guess nakatulong ‘yun in terms of ‘yung quote-unquote falling in love stage naming dalawa,” sabi ni Bea.

Ang Love Before Sunrise ay kuwento ng “right love at the wrong time” at maraming “what ifs.”

Ito ang pangalawang collaborative series ng GMA Network at Viu, ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.

Ang Love Before Sunrise ay magsisimulang mapanood sa September 25 sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE