
Dennis ibinalik ang nakaraan nila ni Bea
NAPA-REMINISCE si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa pagsisimula niya sa showbiz nang malamang makakatrabaho niya muli ang multi-award winning actress and box office queen Bea Alonzo.
Bibida sina Dennis at Bea sa upcoming romance drama series na Love Before Sunrise na reunion project nila matapos ang 20 years.
Parehong nagsimula ang dalawa bilang bahagi ng Batch 10 ng Star Circle ng dati nilang home network kaya napa-throwback si Dennis sa panahon nila doon.
“Parang sobrang magical ng pakiramdam para sa akin. Biruin mo, halos nagsimula kami ni Bea noon sa ABS-CBN. Sabay kaming nagwo-workshop, sabay kaming nagkaroon ng unang dance production sa TV, sabay kaming ni-launch, sabay kaming nagre-rehearsals. ‘Tapos ito, after 20 years, gagawa naman kami ng isang napakagandang proyekto,” pagbabalik-tanaw ni Dennis.
Hanga daw si Dennis sa layo ng narating ni Bea sa kanyang career.
“Feeling ko, sobrang blessed ko and proud. Hindi naman kahit sino, nakakatrabaho ng isang Bea Alonzo kaya sobrang suwerte ko na nandito ako ngayon kasama ‘yung mga magagaling na artista dito at siyempre si Bea,” pahayag ng aktor.
Masaya rin daw si Dennis na isang malaking proyekto tulad ng Love Before Sunrise sila muling magkakatrabaho.
“Sobrang happy lang na nakatrabaho kita ulit and ito ‘yung perfect project para gawin natin ‘to,” sey pa ni Dennis kay Bea.
Show ni Sandara sa Cebu na-postpone
NA-POSTPONE ang dapat na show ni South Korean star Sandara Park sa Cebu ngayong buwan.
In a post on X (formerly Twitter), nag-apologize si Park sa kanyang fans dahil sa mga nangyari.
“I’m so sad and sorry for my fans coz of the Cebu concert. I’m also very very sad and disappointed with what happened. I was preparing a lot for the show.”
Mag-perform sana on September 23 si Sandara sa “AWAKE: A New Beginning” music festival in Cebu City.
Pero ayon sa event producer na Mark Entertainment and Events, postponed ang event due to “unforeseen circumstances and unpredictable weather condition.”
Dahil sa event, di um-attend si Sandara ng Paris Fashion Week
“There is always ups and downs in life. Honestly, I’m not feeling good but how much more Daralings and Blackjacks feel…. U guys are always happier than me during my good times and more sad and hurt during my bad times. But there’s a rainbow always after the rain. I love you guys,” sey pa ni Sandara.
Sandara is also expected to perform as a guest artist for labelmate BamBam’s concert in Manila on Sept. 22.
Mikael at Megan sabay nagpa-makeover
KASABAY ng finale week ng GMA series na Royal Blood, nagpaalam na sina Mikael Daez at Megan Young sa kanilang mga karakter sa serye.
Nito lamang nagdaang weekend, ibinahagi ni Mikael sa Instagram na sabay silang nagpa-makeover ng kanyang asawa na si Megan.
Sa latest post ng aktor, makikita ang ilang larawan nila ni Megan, kung saan kapansin-pansin ang kanilang bagong styles.
Mababasa sa caption ng aktor ang pagpapaalam nila sa kanilang roles sa naturang murder mystery drama.
Ayon sa caption ni Mikael, “New lewk, hu dis? Goodbye to Kristoff and Diana [heart emoji] #RoyalBlood.”
Napapanood si Mikael sa ‘Royal Blood’ bilang si Kristoff, ang ambisyosong half-brother ni Napoy (Dingdong Dantes).
Si Megan naman ay kilala sa serye bilang si Diana, siya ang ex-girlfriend ni Napoy na nagpakasal sa mas mayamang half-brother ng huli na si Kristoff (Mikael Daez).
Ngayong Lunes ng gabi, September 18, kaabang-abang ang rebelasyon tungkol sa tunay na killer ni Gustavo Royales, ang karakter ni Tirso Cruz III sa programa.
Tumutok sa huling linggo ng Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.