dennis

Dennis, ginoogle ni Chloe Zhao

September 18, 2021 Vinia Vivar 48 views

Nakabalik na ng Pilipinas si Dennis Trillo mula sa Italy kung saan ay dumalo nga siya sa Venice International Film Festival para sa pelikula niyang On the Job: The Missing 8 na isa sa nag-compete na films sa naturang prestihiyosong event.

Kasalukuyang naka-quarantine ang aktor at ninanamnam pa rin ang mga hindi malilimutang moment niya sa naturang festival.

Sa kanyang latest interview sa 24 Oras, aniya, lahat ng sipag, tiyaga at paghihirap niya sa loob ng mahigit 20 taon niya sa showbiz ay nasulit lahat dahil sa tagumpay at papuri na natamo ng pelikula sa festival.

As we all know ay nakatanggap ng limang minutong standing ovation ang OJT: The Missing 8 matapos ang premiere nito.

Bukod dito ay pinuri rin si Dennis ng mga naglalakihang personalidad na nakausap niya sa festival tulad nina Oscar award-winning director Boong Joon Ho, multi-awarded Hollywood actress Cynthis Erivo at ang direktor ng Nomadland at Eternals na si Chloé Zhao.

“Iba ‘yung experience kapagka ‘yung mga ibang lahi na ‘yung mga nagre-react du’n sa ginawa ninyong trabaho. Nakakataba ng puso na alam mo ‘yun, naa-appreciate nila lahat nun’g paghihirap kahit sa pinakamaliit na detail na ginawa mo,” sey niya.

Ikinuwento rin ni Dennis ang sinabi sa kanya ni Chloe na talaga namang sobrang ikinataba ng puso niya.

“Sabi niya, ‘Hey, you were so incredible.’ And then sabi niya, ‘I thought you were a real prisoner. And then I Googled your name and I saw that you’re so handsome and you’re some sort of a matinee idol that also sings.’ Oh my gosh! Talaga? Ginoogle ako ni Chloé Zhao,” masayang wika ni Dennis.

AUTHOR PROFILE