Legalwive

Dennis, ’di bet ang multiple partnership

July 20, 2021 Ian F. Fariñas 351 views

AMINADO ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo na naduwag siya nu’ng unang ialok sa kanya ng istasyon ang kauna-unahang Muslim family drama series na Legal Wives.

Hindi lamang sa laki ng scope ng Legal Wives nalula ang aktor kundi sa papel na gagampanan niya bilang si Ismael Makadatu, isang Maranao na may tatlong asawa (played by Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali).

Pero bawi ni Dennis, mabigat man ang tema ng serye lalo pa’t layon nitong ipaunawa sa publiko ang ilang tradisyon at kaugalian ng mga kapatid nating Muslim, naging hamon na rin ito sa kakayahan nila bilang mga aktor.

Anyway, sa online mediacon ng Legal Wives Lunes ng gabi, nasabi ng apat na bida na tipong mahihirapan sila sa sitwasyon ng mga karakter nila sakaling mangyari ang gayon sa totoong buhay.

Para kay Dennis, na common knowledge namang committed sa kapwa-Kapuso na si Jennylyn Mercado, mahirap ang katayuan ni Ismael dahil tatlong babae ang mag-aagawan sa atensyon at pagmamahal niya.

Bale times three ang challenge na maging fair ang trato niya sa bawat isa para walang selosan o inggitan na mangyari.

Sa tatlong aktres naman, si Alice lang ang tipong bukas sa ganitong sitwasyon.

Aniya, “If the situation needs me to share my husband, I think I would.”

Relihiyon naman ang factor na iku-consider ni Andrea sakaling maka-experience ng ganito sa tunay na buhay.

Para sa aktres, “Muslims were prepared for this and the situation was explained to them but with us, it will be hard because we’re not used to it. I will have a hard time.”

At bilang pinakabata sa apat na bida, duda naman si Bianca kung kakayanin niya ang pakikipag-relasyon sa isang lalaking may multiple partners.

Katwiran niya, “I would say that it’s hard to be in a situation where I have to share the person I love. I don’t know if I can but that will be hard.”

Ang Legal Wives ay magsisimulang mapanood sa GMA Telebabad sa July 26.

AUTHOR PROFILE