Denise taban

Denise, Kayang tapatan si AJ

May 1, 2022 People's Tonight 212 views

Ang newbie sexy star na si Denise Esteban naman ang binigyan ng break sa sariling pelikula ng Viva Films.

Bida siya sa pelikulang Doblado kasama sina Josef Elizalde, Stephanie Raz, Kat Dovey, Mark Athony Fernandez at Gwen Garci mula sa direksyon ni GB Sampedro.

Bago ito ay nakasama rin si Denise sa pelikulang Kaliwaan with AJ Raval and Vince Rillon na kasalukuyan nang napapanood sa Vivamax.

Aminado si Denise na talagang nagulat din siya nang bigyan siya ng lead role ng Viva.

“Nu’ng una, nang binigay sa akin ‘to, nagulat din ako na bida po agad ‘yung nabigay sa akin. And na-pressure rin ako kung kaya kong tapatan ‘yung mga nauna sa akin.

Natatakot ako, baka hindi ko magawa nang tama.

“Since ako ‘yung bida rito, parang ako ‘yung titingnan talaga, ganu’n. Medyo natakot po ako,” pahayag ni Denise sa virtual mediacon ng Doblado.

Pero nang napanood daw niya ang mga eksena niya ay nawala na ang takot niya dahil nakaya naman pala niya.

Kumpiyansa naman si Denise na kaya niyang tapatan ang mga Reyna ng Vivamax tulad ni AJ.

“Kaya naman po, kaya naman. Siguro, matatapatan ko rin sila since maganda itong story ng movie na ginawa namin,” sey niya.

Bago napasabak sa pag-arte ay dating miyembro si Denise ng girl group na P-pop generation na mina-manage ng Viva Artists Agency.

Hanggang sa napansin daw ng Viva ang kanyang mga sexy photo at tinanong siya kung gustong magpa-sexy.

“Mahilig po kasi akong mag-post ng naka-bikini. So, napansin ng Viva ‘yun and inalok po nila ako kung gusto kong magpa-sexy. So, ‘yun, tinanggap ko po,” lahad ni Denise.

Ang Doblado ay kwento ni Jaira (Denise), isang college student na nasa early 20s — maganda, maayos manamit at angat ang itsura sa iba.

Pero sa likod ng kanyang pagiging Maria Clara ay ang lihim na pinakatatagu-tago niya, estudyante siya sa umaga, pero isa siyang part-time high-class prostitute sa gabi.

Bilang high class prostitute, ang tinatanggap lang niyang mga kliyente ay mga VIP mula sa isang private website.

Mapapanood na ang Doblado sa Vivamax simula sa May 6.

AUTHOR PROFILE