
Delivery service sa drug trading timbog
NABUKING ng mga pulis ang modus ng isang grupo na sangkot sa illegal drug trading sa tulong ng isang empleyado ng delivery service ang paggamit ng kusinero para sa pagdedeliver ng mahigit P1 milyong halaga ng ilegal na droga noong Biyernes.
Kaagad na nagtungo ang mga tauhan ng Makati Police Sub-Station-7 sa tanggapan ng delivery express sa Barangay Guadalupe Nuevo dakong alas-8:20 ng umaga at dinakip ang 33-anyos na chef na nagpapa-deliver ng matataas na uri ng marijuana, gamit ang delivery express company.
Sa tinanggap na ulat ni Southern Police District (SPD) Director P/Col. Roderick Mariano, nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Police Sub-Station 7 mula sa isang kawani ng delivery express at isinumbong ang paggamit ng suspek sa kanilang kompanya upang i-deliver ang mga ilegal na droga.
Nakumpiska ng pulisya sa suspek ang matataas na uri ng marijuana kush, marijuana oil at mga drug paraphernalia na may value na P1,540.000.
“The SPD remains committed to ensuring the safety and well-being of the community, actively working to eliminate illegal drug activities in Southern Metro,” pahayag ni Mariano matapos papurihan ang empleyado ng delivery express na nagbigay ng tip sa pulisya.