Default Thumbnail

Delgado Ramp bagong DEA ng PoM

May 2, 2021 Vic Reyes 308 views

PATULOY ang paghahanap ng Bureau of Customs (BoC) upang higit pang mapagbuti ang trade facilitation sa mga pantalan at paliparan.

Sa Manila South Harbor, nagbukas ang Port of Manila (PoM) at Asian Terminals, Inc (ATI) ng dagdag na designated examination area (DEA).

Ang bagong DEA ay matatagpuan sa Delgado St, Port Area, Manila.

Ang Delgado Ramp ay naging fully operational noong Abril 28 matapos na mag-deploy ng mga taga-ESS, CIIS, PDEA at PCG sa lugar.

Naglagay din ng mga CCTV sa mga strategic area ang ESS.

Ang mga ini-examine sa Delgado Ramp ay kinabibilangan ng mga reefer container at orange-tagged shipment na nangangailangan ng “further verification” pagkatapos na dumaan sa x-ray.

Dadaan din sa Delgado ramp ang mga red-tagged shipment.

Sinabi ni PoM District Collector Michael Angelo Vargas na ang pagbubukas ng panibagong DEA ay naglalayong mapabilis ang processing ng mga parating na kargamento.

Ang Port of Manila ay patuloy na gumagawa ng paraan para mapaganda ang serbisyo nito sa publiko.

Kabilin-bilinan ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero sa kanyang mga tauhan na mahalaga na mapaganda ang trade facilitation.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa bansa.

Ang mga taga-BoC ay mga frontliner din sa “fight against the pandemic.”

Lalo na’t kung saan-saan nanggagaling ang mga kargamento na dumarating sa bansa.

Sa mga taga-BoC, saludo po ang taumbayan sa ginagawa niyo!

***

Pinangasiwaan ng Port of Limay ang inspeksyon at pag-discharge ng Indonesian Steam Coal na para sa Petron Bataan Refinery (PBR).

Ang inspeksyon, na ginawa sa SMC private port na matatagpuan sa Limay, ay ginanap noong Abril 27.

Ito ang unang importasyon ng PBR bilang isang rehistradong entity ng AFAB o Authority of the Freeport Area of Bataan.

Nakita sa inspeksyon na ang PBR ay “fully compliant with all requirements and existing regulations.”

Kabilang na dito ang “easy access to facilitate inspection and monitoring.”

Noong Abril 16 ay pinanood ng Port of Limay at BIR ang imbentaryo ng crude oil at produktong petrolyo para malaman ang inventory levels “prior to the transition to an AFAB-registered entity.

Isa sa mga pribilehiyo ng isang AFAB-registered enterprise ay ang tax at duty-free importation of goods within the freeport area .

Ito ay ayon sa isinasaad ng Republic Act #9728 o ang “Freeport Area of Bataan Act of 2009.”

Ang Port of Limay ay pinamumunuan ni Acting District Collector William B. Balayo.

Inaasahang lalong pagbubutihin ng Port of Limay ang serbisyo nito sa publiko.

(Para sa inyong komento at suhestyon, tumawag o mag-text sa #0917-4765430/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE