‘Deleter,’ posibleng may part 2
AMINADO si Nadine Lustre na lutang pa rin siya hanggang ngayon sa malaking tagumpay na inani at patuloy pang inaani ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Deleter under Viva Films.
Sa ginanap na thanksgiving party sa Greyhound Cafe sa Rockwell Center nu’ng Miyerkules ng gabi, sinabi ni Nadine na hindi pa rin nagsi-sink-in sa kanya ang pagiging best actress at MMFF best picture at top grosser ng techno-horror film na dinirek ng tinanghal ding best director na si Mikhail Red.
Para na nga raw silang sirang plaka sa paulit-ulit na pasasalamat sa naging resulta ng Deleter sa takilya.
Bagong “Horror Queen,” “MMFF Queen,” “Box-Office Queen” at kung anu-ano pang titulo ang ngayo’y idinidikit na sa pangalan ng aktres pero ang reaksyon lang niya ay, “Grabe naman!” Sobrang ganda nga ng pasok ng 2023 kay Nadine kaya naman looking forward daw siya sa mga pro
Nang tanungin tungkol sa posibilidad ng Deleter 2, sinabi ng aktres na wala pa siyang ideya tungkol dito sa ngayon.
Ang bukod-tangi namang nasabi ni Direk Mikhail ay, “We’ve been in talks with Viva for more genre projects. Hindi ko pa maa-announce officially but it’s an exciting time, especially na bumabalik na nga ang audience (sa sinehan).