Nadine

‘Deleter’ ni Nadine, naka-‘R-13’

December 15, 2022 Ian F. Fariñas 426 views

WALANG na-delete na eksena at full horror experience ang hatid ng Viva Films movie na Deleter, ang natatanging horror entry sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF), matapos itong makakuha ng “R-13” classification mula sa Movie Television Review and Classification (MTRCB).

Pinagbibidahan ang Deleter ni Nadine Lustre kasama sina McCoy de Leon, Louise delos Reyes at Jeffrey Hidalgo mula sa masusing direksyon ng award-winning na si Mikhail Red.

Pumasa nga sa panlasa ng Censors’ Board ang temang techno-horror na isinulat nina Direk Mikhail at Nikolas Red na tumatalakay sa buhay ni Lyra (Nadine), isang online content moderator na may madilim na nakaraan.

Pilit tinatakasan ni Lyra ang malagim na sikretong ito hanggang sa ma-encounter niya ang kaso ng isang misteryosang babae online.

Hitik sa katatakutan at nakakikilabot na mga eksena, magsisimula nang mapanood ang Deleter sa mga sinehan nationwide sa December 25.

AUTHOR PROFILE