Ariel Inton LCSP founder, Atty. Ariel Inton

Delayed release ng car plates pinangangambahan

May 26, 2021 Jun I. Legaspi 185 views

POSIBLENG hindi pa rin ma-release ng Land Transportation Office (LTO) ang car plates ng mga rehistradong sasakyan mula 2013 hanggang 2018, ayon sa isang commuter at transport advocate.

Ito ang ibinulgar ni Atty. Ariel Inton, commuter at transport advocate at founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), makaraang matuklasan na hindi naisaayos ang problema ng pagbabayad sa suppliers nito.

Sa isang interview, sinabi ni Inton na ang problema ay dahil na-freeze ng bangko sa Ortigas ang P180 million na dapat ay ibabayad sa OMI- JKG Philippines Inc, ang supplier ng mga car plates.

Dahil dito, made-delay na naman ang delivery ng mga car plates registered 2013-2018, aniya.

Ayon kay Inton nagtataka ang LCSP dahil ang freeze order ay napagpasyahan ng bangko dahil lamang sa isang sulat galing sa nagpapakilalang dating presidente ng company.

Pero ang nasabing dating official ng company ng OMI- JKG Philippines Inc. ay wala na palang kapangyarihan dahil nag-take over na ang panibagong grupo sa pamamagitan ng isang Deed of Assignment.

Ayon kay Inton habang tumatagal ang isyung ito ang taong bayan o mga car owners na walang plaka ang apektado.

Nanawagan si Inton sa mga kinauukulan gawin ang tama dahil nasa kanila ang kapangyarihan upang maresolba ang problema.

AUTHOR PROFILE