Delay sa pag-issue ng car plate pinuna ng LCSP

May 19, 2021 Jun I. Legaspi 214 views

PINUNA ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang matagal ng pagkaantala ng paglabas ng mga plaka ng sasakyan mula sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay LCSP Founder Atty. Ariel Inton, marami pa rin sa mga may ari ng sasakyan ang nag rereklamo sa napaka tagal ng pagkaka delay ng kanilang car plates na nairehistro pa noong 2013 hanggang 2018.

Nasilip ng LCSP na may ilang personalidad na sangkot sa naturang kontrobersiya gayundin ang ilang bank officials kung kaya’t nauudlot ang pag-isyu ng mga car plates sa mga may ari ng sasakyan.

Hindi matanggap ng LCSP na ang internal dispute ng car plate supplier ang dahilan ng patuloy na pagkaka-antala sa pag-iisyu ng plaka sa bansa.

Ginawa ni Inton ang pahayag kasunod ng pag-freeze ng bangko sa ₱200 milyong payment ng LTO para sa license plates contract sa naunang backlog ng plate numbers mula 2013 hanggang 2018.

Aniya, walang ligal na batayan ang freeze order ng bangko lalo pa’t ang kapalit ay para ma-delay ang pag-iisyu ng plaka.

Giit ni Inton, dapat panagutin ang sinumang opisyal ng LTO lalo na ang bangko na nagiging dahilan ng delay sa paggawa ng mga bagong plaka.

AUTHOR PROFILE