NDRRMC

Death toll sa masamang lagay ng panahon umakyat na sa 27

January 15, 2023 Zaida I. Delos Reyes 285 views

UMAKYAT na sa 27 ang bilang ng mga naiulat na nasawi dahil sa masamang lagay ng panahon na nagdulot ng walang tigil na pag-ulan simula pa nitong January 2,2023.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo ng umaga.

Batay sa update ng NDRRMC, anim sa mga nasaawi ay mula sa Eastern Visayas, lima mula sa Bicol Region at Zamboanga Peninsula, dalawa mula sa Northern Mindanao at I sa Davao Region.

Gayunman, tanging 14 lamang sa mga naiulat na nasawi ang kumpirmado.

Tatlo katao ang naiulat na nawawala at 11 ang nasugatan.

Umabot din sa 614,159 katao o 151,365 pamilya ang naapektuhan sa Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa nasabing bilang, 83,649 katao o 20,056 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 217 evacuation centers habang 28,847 katao o 11,519 pamilya ang nanuluyan sa ibang ligtas na lugar.

Batay sa ulat, matinding tinamaan ng baha ang mga lugar sa Eastern Visayas, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Ayon sa NDRRMC, 279 lugar ang binaha dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Nakapagtala din ang ahensya ng 45 insidente ng landslide kung saan 1,281 kabahayan ang napinsala, 912 sa mga ito ang partially damaged habang 369 ang totally damaged.