Default Thumbnail

Dayo nanloob sa Tondo arestado

October 27, 2021 Francis Naguit 283 views

HINDI na nagawang manlaban ang isang 40-anyos na dayo sa lugar, makaraang bitbitin ng barangay official, habang ang misis nito ay mabilis na tumakas dahil sa panloloob sa isang bahay sa Tondo, Manila, Martes ng gabi.

Dahil dito, nahaharap sa kasong theft ang suspek na nakilalang si Jackie Sindol Molina, ng 722 Laon Nasa St., Tondo.

Nagsagawa na ng manhunt operation ang pulisya sa ikadarakip ng misis ni Molina.

Batay sa ulat na nakarating kay P/ Lt.Col Harry Lorenzo lll, commander ng Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7, bandang 10 p.m. nang mamataan ang isang lalaki sa kahabaan ng Batangas St., sakop ng Brgy. 221 Zone 21, dahil sa napaulat na nambiktima ito sa isang bahay sa F. Yuseco St., sa Tondo.

Namg iberipika sa CCTV sa lugar, namataan ang mag-asawa habang bitbit ni Molina ang bag na kinuha nito.

Agad na kumilos si Edgardo Pielago, barangay tanod at mismong sa harapan ni Christopher Dela Cruz, nBarangay Kagawad sa Brgy. 221, ay binitbit ang suspek.

Upang makasiguro hinarap ang suspek sa biktimang si Rosalinda Alimarong, ng Yuseco St., Tondo. Sa barangay hall, mariin nitong itinuro si Molina at dito na naberipika ang ninakaw nitong brown hand bag na naglalaman ng iba’t ibang dokumento at cash.

Salaysay ng ni Alimarong , bandang 8 p.m. nang pasukin ni Molina ang kanyang bahay sa 1026 – H F.Yuseco St., sa Tondo..

Dahil buking na, umamin ang suspek sa ginawa nitong panloloob sa bahay ni Alimarong.

“Eksakto lahat ng CCTV dito sa nasasakupan naming barangay ay pinaayos ko ng lahat , buena na mano yung suspek sa ginawa nitong pananalisi ” pahayag ni Wilfredo Dabu , Punong Barangay ng Brgy. 221 Zone 21 sa Tondo.

Matapos iblotter sa barangay itinurn over nang suspek sa nasabing himpilan ng pullisya. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE