Dayo dinedo

August 19, 2021 Francis Naguit 57 views

DEAD on the spot ang isang lalaki matapos barilin ng dalawang gunman sa Port Area, Maynila hapon ng Agosto 18, 2021.

Kinilala ang biktima na si Efren Castillo, 51, residente ng 72- San Miguel Road Binondo, Maynila.

Nauna rito, sumakay ng tricycle ang biktima mula Asuncion sa Divisoria at bumaba ito sa Blk. 5 Extension Amadom, sakop ng Brgy. 649 Baseco Comp,Port Area.

Nakita sa CCTV na habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Blk.1 Dubai at Gasangan-1 Sts,, Baseco Compound, may sumunod na dalawang hindi pa nakilalang mga lalaki at pinaputukan ang biktima sa likurang bahagi ng kanyang ulo na sanhi ng agarang kamatayan nito.

Agad namang tumakas ang mga suspek na parang walang nangyari papalayo sa biktima. Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE