Phivolcs

DavOc niyaning ng 6.6 na lindol

September 26, 2023 Zaida I. Delos Reyes 226 views

NIYANIG ng magnitude 6.6 na lindol ang Balut Island, Davao Occidental Martes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig dakong 9:39 ng umaga.

May lalim na 122 kilometro ang lindol at matatagpuan sa 03.18°N, 128.64°E-434 km S 55° sa silangan ng Balut Island.

Inaasahan ang mga aftershocks ng lindol pero siniguro ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa kabila ng malakas na pagyanig.