Phivolcs

DavOc nilindol

July 13, 2023 Zaida I. Delos Reyes 816 views

NIYANIG ng magnitude 4.4 na lindol ang Davao Occidental Huwebes ng umaga.

Batay sa update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naramdaman ang pagyanig dakong 4:50 ng umaga sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

May lalim na 148 kilomentro ang lindol.

Walang inaasahang aftershocks ang lindol at wala ring pinsala na naganap sa lalawigan.