David pinagbibintangang dahilan ng Barbie-Jak breakup
SA pagpasok ng bagong taong 2025, bumulaga ang balitang hiwalay na ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto na in-anunsyo ng Kapuso actress sa kanyang Instagram account nung ikalawa ng Enero 2025.
Kung matatandaan pa, may ilang beses na ring inungkat ni Jak ang tungkol sa kasal sa kanyang kasintahan pero ito’y bina-brush aside lamang ng Kapuso actress sa paniniwalang hindi pa siya handa na lumagay sa tahimik.
Nang mabuo ang loveteam nina Barbie at David Licauco, maraming beses na-threaten ang relasyon nina Barbie at Jak pero ipinakita ng dalawa na professional lamang at parte ng trabaho ang team-up nina Barbie at David pero nanatiling matatag ang relasyon nina Barbie at Jak bilang magkasintahan.
Nabuo ang loveteam nina Barbie at David nang pagtambalin ang dalawa sa hit TV series na “Maria Clara at Ibarra” nung 2022. Nagpatuloy ang tagumpay ng loveteam ng BarDa nina Barbie at David nang muling pagtambalin ang dalawa sa TV adaptation ng pelikulang “Maging Sino Ka Man” na sinundan ng kanilang first movie together, ang “That Kind of Love” and another TV series, ang “Pulang Araw” kung saan nila kasama sa cast sina Alden Richards, Dennis Trillo at Sanya Lopez, ang nakababatang kapatid ni Jak Roberto. Ang nasabing serye ay nagtapos nung isang buwan.
Everybody thought na smooth-sailing ang relasyong Barbie at Jak kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ng marami nang si Barbie mismo ang magbahagi ng kanilang break-up ni Jak na hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig sa mga pangyayari.
Sa paniniwala ng marami, pati si Jak ay nabigla sa hindi inaasahang paghihiwalay nila ni Barbie lalupa’t wala siyang alam na dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pitong taong relasyon.
Marami naman ang nag-conclude na si David Licauco umano ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang (dating) ang magkasintahan. May mga nagsasabi na may non-showbiz girlfriend si David. Pero ang mga espekulasyon na ito ay maba-validate lamang kapag maging visible na sina Barbie at David sa mga lakaran laluna ngayon na wala silang bagong proyektong pinagsasamahan.
Marami rin ang naniniwala na si Barbie umano ang nakipag-break kay Jak sa hindi pa malamang dahilan.
Ang break-up nina Barbie at Jak ang unang pasabog sa pagpasok ng bagong taong 2025.
Lara at Marco maayos na ang buhay sa Canada
CELEBRITY couple Lara Quigaman at Marco Alcaraz together with their three sons na sina Noah, Tobias at Moses ay nag-relocate na sa Canada and they just celebrated their 14th wedding anniversary on New Year’s day.
Lara and Marco were first married in a civil wedding rites in Vancouver, Canada on January 1, 2011 na sinundan ng kanilang Christan wedding ceremony nung July 8, 2012 na ginanap sa Hacienda Isabela in Tagaytay City na pag-aari ng Pop Diva na si Kuh Ledesma.
Si Lara ay ang pang-apat na Filipina beauty queen na naging Miss International nung 2005 na sinimulan ni Gemma Cruz nung 1964 at sinundan nina Aurora Pijuan nung 1970 at Melanie Marquez nung 1979. Si Bea Santiago nung 2013 at si Kylie Verzosa naman nung 2016.
Although parehong nami-miss nina Lara at Marco ang showbiz sa Pilipinas, masaya at peaceful umano ang kanilang buhay sa Vancouver, Canada kasama ang kanilang three boys.
Mga anak na iniwan ni Dolphy, paano na?
HINDI ang actor-director at head ng Star Center Talent Management ng Net25 na si Eric Quizon ang panganay sa kanilang 18 magkakapatid, pero ito ang kumakatawan sa kanila kapag may kinalaman sa mga ari-ariang iniwan ng kanilang ama, ang comedy king na si Dolphy.
Si Eric ang pinagbilinan ng kanilang ama bago ito pumanaw na maging maayos silang makakapatid at siya na umano ang mamahala sa mga ari-ariang kanyang iniwan at tinupad ng actor-director ang kanyang pangako sa ama.
Bilang isa sa nakababatang kapatid ni Eric, Jeffrey `Epy’ Quizon looks up to his elder brother na siya ring nagturo sa kanya sa pagdidirek. Ipinagpapatuloy din nilang magkakapatid ang legacy na iniwan ng kanilang yumaong ama.
Hindi man natupad ni Erik ang pangarap noon ng kanilang ama na siya’y maging isang doctor, naging proud naman sa kanya si Dolphy sa kanyang mga achievements hindi lamang bilang isang actor kundi isa ring director.
Ayon kay Epy, naranasan din umano niyang maging bunsong anak sa kanilang magkakapatid pero dumating si Vandolph and eventually ang kanilang pinaka-bunsong kapatid na si Zia Quizon, anak ng kanilang ama sa singer-actress na si Zsa Zsa Padilla.
Sa mga anak ng yumaong Comedy King, si Epy ang carbon copy ng kanilang yumaong ama.
Although nung July 10, 2012 yumao si Dolphy, nami-miss pa rin ito nilang magkakapatid laluna tuwing araw ng linggo kung saan sama-sama silang kumakain ng kanilang ama.
Naging close din silang magkakapatid sa huling nakarelasyon ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla.
Samantala, hindi halos nawawalan ng acting assignment si Epy pero kung siya’y mabibigyan lamang ng pagkakataon ay gusto nitong mag-direk either sa telebisyon o pelikula.
Napanood namin ang isang documentary film na ginawa ni Epy na may pamagat na “Bokal” at napakaganda ng pagkakagawa nito.
Bukod sa acting at pagdidirek, Epy also write songs.
Sa kanilang magkakapatid, si Vandolph umano ang nagmana sa husay sa timing sa comedy ng kanilang ama.
Trabaho ang bonding ni Aga, Charlene at mg anak
NA-LINK man noon sa maraming babae nung binata pa si Aga Muhlach, naging ulirang asawa’t ama naman ito sa misis na si Charlene Gonzales at sa kanilang twin children na sina Andres at Atasha na pareho na ring pumasok sa showbiz.
Very supportive ang mag-asawang Aga at Charlene sa kanilang dalawang grown-up children laluna nang mag-desisyon ang mga ito na mag-aral sa ibang bansa – sa London si Atasha at sa Spain naman si Andres.
Although tinapos ni Atasha ang kanyang pag-aaral sa London may natitira pang sem si Andres sa kanyang studies pero gusto umano niya ito tapusin ngayong nasa Pilipinas na siya.
Nang magpaalam ang kambal na anak nina Aga at Charlene na papasukin din nila ang showbiz ay hindi nila pigilan ang dalawa na parehong contract stars ng Viva Artists Agency.
Sina Aga, Charlene, Andres at Atasha ay napapanood regularly sa kanilang sitcom on TV5 na pinamagatang “Da Pers Family”. Ang kanilang taping ang nagsisilbing bonding moment ng pamilya.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.