David

David Licauco sa kanyang sleep disorder: ‘Gusto ko nang magpa-opera’

September 9, 2023 People's Tonight 236 views

IKINUWENTO ng model-actor na si David Licauco ang plano niyang pagpapa-opera ng kanyang sleep disorder na tinatawag na “sleep apnea” kung saan habang natutulog ay maaaring tumigil minsan ang paghinga ng isang taong mayroon nito.

Sa isang panayam kasama si Nelson Canlas nitong Biyernes, Setyembre 8, sinabi ng aktor na pagkatapos ng TV series nila ng aktres na si Barbie Forteza ay nais na niyang ipa-opera ang kondisyong mayroon na siya noong 16-anyos pa lamang.

“Gusto ko nang magpa-opera after this show, so hopefully I find the time na magawa ko ‘yun kasi I think sleep is the best gift by God,” pahayag ni David sa panayam.

Saad din ng “Maging Sino Ka Man” star ay nakakaapekto raw ang kanyang sleep disorder sa trabaho kaya’t kung minsan ay nahuhuli siya sa mga taping.

Ibinunyag niya rin na napagkakamalan siyang suplado ng ibang tao pero may kinalaman daw ito sa sleep apnea.

“My breathing stops for like mga 30 seconds straight, 24 times in an hour,” kuwento ni David.

“So, all throughout the night, hirap ako eh. So stressed ako. So paggising ko sa umaga, I’m stressed also.” paliwanag pa niya

“I tend to be, parang iniisip ng mga tao na mataray ako, suplado, but actually may nape-feel kasi ako sa umaga na bigat eh, so parang wala ka sa mood, so I had to work out,” wika pa ng aktor.

AUTHOR PROFILE