
David, ’di itsa-puwera sa b-day celebration ni Barbie
MARAMI ang nag-akala na itsa-puwera si David Licauco sa birthday celebration ni Barbie Forteza.
Ang totoo, nagkaroon ng mini-celebration si Barbie kasama ang cast ng Maging Sino Ka Man at ipinost nila ‘yon sa socmed.
Mga kaibigan naman ang kasama ni Barbie sa ilang araw ng selebrasyon at sa isang post sa Instagram, sweet na sweet pa ang litrato nila together ng boyfriend na si Jak Roberto.
Hanggang screen lang talaga ang sweetness nina Barbie at David kaya dapat namnamin ng huli ang lambingan nila ng GMA actress tuwing magkasama sila sa TV series ng remake ng Sharon Cuneta-Robin Padilla movie na Maging Sino Ka Man.