David

David Bunevacz nahaharap sa 40 taon pagkakabilanggo sa Amerika

July 20, 2022 Aster Amoyo 1094 views

David1David2David3David4

NAKALULUNGKOT isipin na hindi pa rin talaga nadala sa mga previous scandals na kinasangkutan ng dating decathlete-turned businessman na si David Bunevacz (53), ang Filipino

Hungarian-American na mister ng dating beauty queen aspirant, model-turned actress and talent manager na si Jessica Rodriguez.

Unang nakilala si David ng local entertainment press nang ito’y ma-link sa noo’y sikat na sikat na Viva star, ang Filipino-American na dating beauty queen-actress na si Anjanette Abayari.

Taong 1999 nang masangkot si AJ (Anjanette) sa isang drugs incident sa Guam, USA na naging dahilan ng kanyang pagkakulong sa nasabing lugar. Since she was already living-in with David at that time, naiwan ang (dating) athlete sa pag-aaring condo unit ni AJ in Pasig City gayundin ang kanyang sasakyan at mga gamit sa loob ng condo and her Rolex watch.

Dahil kilala at maraming kaibigan si AJ, maraming nagpaabot na financial help para sa kanya na personal na tinanggap ni David at hindi na umano nakarating sa actress for her legal defense in Guam.

While the actress was still in Guam, ibinenta ni David ang mga gamit ni AJ including her expensive car and Rolex. Pero nabawi ang sasakyan ni AJ ng kanyang uncle pero hindi na ang Rolex.

Sinubukan pa umanong ibenta ni David ang kanyang condo unit pero hindi ito natuloy dahil hindi pinirmahan ng (dating) aktres ang Special Power of Attorney na pinapipirmihan sa kanya ni David. Ito ang unang pagkakataon na nalaman ng publiko ang ginawang panloloko ng dating athlete.

Pero bago pa man dumating sa Pilipinas si David ay meron na rin itong record ng panloloko sa Amerika kasama ang kanyang amang si Joseph Bunevacz nang sila’y idemanda ni Atty. James Robert Moriarty and The X-Law Group dahil sa fraudulent and prohibited securities practices which landed him in jail for 360 days (almost 1 year) sa Los Angeles County Jail at 300 hours in community service.

Matapos makalaya si AJ sa Guam, siya’y dumiretso ng Amerika leaving David without no one to depend on. He courted former actress and talent manager Jessica Rodriguez at ang dalawa ay nagpakasal nung December 9, 2000.

In fairness kay Jessica na well-connected at that time, David took advantage of the situation para makilala rin siya sa circle ng dating talent manager until he was able to convince some investors na mag-invest sa isang state-of-the art beauty aesthetic clinic, ang 6750 Beverly Hills, isa cosmetic surgery and skin institute na dating matatagpuan sa 6750 Ayala Avenue in Makati City.

In fairness to David and his wife na si Jessica, napakaganda ng clinic maging ang mga equipment. Lahat ng mga customers ng nasabing clinic ay may privacy dahil meron itong private elevator leading to the clinic at pabalik sa basement parking kaya hindi makikita kung sinu-sinong mga personalidad ang sumailalim sa iba’t ibang enhancements.

Dahil sa magandang PR and marketing strategy ni Jessica, nakuha nila ang dating Miss Universe na si Dayanara Torres na maging brand ambassador ng 6750 Beverly Hills na agad nakilala ng publiko. The clinic was grandiously launched nung 2006. Pero after just about a year of operation ng nasabing clinic, may mga lumutang na balita that David was allegedly beaten up by his business partners (Bunevacz and his wife were just industrial partners) who financed the business dahil ginawa umanong ATM ng dating athlete ang pondo ng kumpanya for his and his family’s interests. David and his family would allegedly travel frequently to the US on first class using the company’s fund. Nag-suspetsa din umano ang mga business investor ng clinic nang regaluhan ni David ang kanyang misis ng isang brand new BMW car matapos ang grand finals ng “Celebrity Duets” kung saan isa sa finalists si Jessica but did not take home the grand prize of P1M with her partner.

Naka-ribbon pa ang BMW nang ito’y ibigay ni David sa kanyang wife which even made the headlines ng mga entertainment news sa print, radio and television. Bumili rin umano ang former athlete ng sarili niyang brand new Porsche car na milyunes din ang halaga.

When David was allegedly confronted by the investors, he denied their allegations na naging sanhi umano ng pagkaka-bugbog sa kanya at kasunod na rito ang biglaang pag-alis ng mag-asawang David at Jessica with the kids patungong Amerika in 2007 leaving their posh house, expensive cars at mga kagamitan sa Ayala, Alabang.

During the confrontation, binawi umano kay David ng mga investor ang kanyang suot na mamahaling relos at ang kanyang Porsche car.

Back in the US, hindi pa rin umano nagbago si David sa kanyang magarbong pamumuhay kasama ang kanyang pamilya. He duped his would be victims (various investors) into investing into his allegedly group of businesses na umabot ng mahigit $28M (sa equivant ng P55 to $1 ay abot ito ng mahigit P1.5-B).

He lived lavishly with his family in the US. Binilhan umano niya ng kabayo ang kanyang model at equiestrienne daughter na si Breanna na nagkakahalaga ng US $330,000 at ginastuhan ang debut nito ng mahigit $200,000 bukod pa umano sa mahigit $8-M na itinapon niya sa casino.

Nang ma-discover ng mga investors ang ginawang panloloko sa kanila ay naharap sa patung-patong na kaso ang mister ni Jessica Rodriquez who pleaded guilty sa 40 na kasong isinampa laban sa kanya.

Ang US District Judge na si Dale S. Fischer ay nakatakdang magbigay ng kanyang final verdict sa darating na November 21, 2022 na maaring magpataw ng 40 years of imprisonment kay Bunevacz.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE