Daveara

Dave, namudmod ng libu-libong bakuna … mister ni Ara, may pa-free wi-fi sa Laguna

February 13, 2022 Ian F. Fariñas 398 views

Very proud si Ara Mina sa mga proyektong naibibigay ng mister niyang si Dave Almarinez sa San Pedro kahit hindi pa man ito nakakaupo sa puwesto.

Hindi ito galing sa pondo ng bayan kundi hinugot mula sa sariling pagsisikap para matulungan ang mga kababayan sa Laguna.

Kuwento ni Ara, “Ganu’n talaga siya, basta may lumapit sa kanyang mga barangay leader o mga pamilyang may idudulog na problema, gagawan niya ng paraan kung paano ito matutugunan.”

Isa sa pinakamalaking proyekto ngayon ni Dave ay ang pa-free wi-fi sa buong San Pedro.

Malaki ang magiging pakinabang nito sa mga mamamayan dahil hindi na sila mamumroblema pa sa Internet connection.

“Ibinuhos niya ang oras diyan para ’yung mga kabataan na naka-study from home or ’yung mga naka-work from home, may magagamit na silang Internet na mabilis ang connection,” ayon pa kay Ara.

Habang busy si Mrs. Almarinez sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, busy naman ang kanyang mister sa pag-iikot sa Laguna.

’Pag walang taping si Ara ay sinasamahan niya si Dave sa sa pag-iikot sa first district ng Laguna.

’Ika nga niya, proper time management lang ’yan at nagkakaunawaan naman daw silang mag-asawa pagdating sa kanilang mga trabaho.

Nagpapasalamat si Ara kay Dave dahil pinapayagan siyang ipagpatuloy ang commitment niya sa Kapamilya show.

Samantala, nag-donate nga pala ang grupo ni Dave ng 10,080 Moderna Covid-19 vaccines sa San Pedro na ipinamahagi noong Ferbuary 12.

Ngayong Valentine’s Day, bababa si Ara mula sa Ilocos para makasama ang asawa ng kahit ilang araw bago bumalik sa lock-in taping.

AUTHOR PROFILE