Davao Oriental inuga ng magnitude 4.9 lindol

November 30, 2021 Jun I. Legaspi 74 views

INUGA ng magnitude 4.9 na lindol ang Davao Oriental Tuesday, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa monitoring ng agency, tectonic ang origin ng lindol naramdaman 8:56 a.m., apat na ilometers northeast ng bayan ng Governor Generoso.

Umabot ng 30 kilometers ang lalim nito sa lupa, ayon sa agency.

Dahil sa malakas na lindol, naramdaman ang Intensity 4 sa Maco at Pantukan, sa Davao de Oro.

Intensity 3 ang naranasan sa Koronadal City at Davao City, Intensity 2 sa Compostela at Nabunturan sa Davao de Oro, at Intensity 1 ang naramdaman sa General Santos City, ayon sa Phivolcs.

Ayon sa agency, walang naiulat na damage sa property at wala ding inaasahang aftershock.

AUTHOR PROFILE