Phivolcs

Davao Occ. niyanig ng 5.5 magnitude na lindol

August 29, 2023 Zaida I. Delos Reyes 225 views

NIYANIG ng 5.5 magnitude na lindol ang Davao Occidental kaninang umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol na naramdaman dakong 1:59 ng madaling araw ay matatagpuan sa 214 kilometers southeast ng Balut island sa Sarangani , Davao Occidental.

Ang lindol ay may lalim na 15 kilometro at naramdaman ang intensity 1 sa Tupi, South Cotabato; Malungon at Kiamba sa Sarangani.

Wala namang naiulat na pinsala ang lindol batay sa assessment na ginawa ng Davao Occidental Disaster Risk Reduction and Management Council.