Davao Occ. niyanig 6.5 magnitude lindol

January 22, 2022 Jun I. Legaspi 129 views

NIYANIG ng malakas na 6.5 magnitude na lindol ang Davao Occidental Saturday, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa monitoring ng agency ang lindol ay tumama 234 kilometer south, 36 degrees east ng Balut Island, Sarangani Town, 10:26 a.m.

Tectonic ang origin ng lindol at 66 kilometer ang lalim nito sa lupa, ayon sa Phivolcs. Agad naman sinabi ng agency na walang expected na tsunami.

Ayon sa Phivolcs kasalukuyan ng nangangalap ng mga inpormasyon ang kanilang mga personnel sa ground sa posibleng pinsala ng malakas na lindol.

Nagbabala rin ang ahensiya sa mga residente sa lugar na tinamaan ng lindol na magsagawa ng pag-iingat at mabilis na lumikas kapag sinabi ng tauhan ng gobyerno.

AUTHOR PROFILE