Davao niyugyog ng magnitude 5.4 lindol

July 18, 2021 Jun I. Legaspi 147 views

YINUGYUG ng magnitude 5.4 na lindol ang Davao Oriental Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa official monitoring ng agency, naitala ang lindol 8:09 ng umaga 37 kilometers southeast sa bayan ng Governor Generoso.

Ayon pa sa Phivolcs, 42 kilometers ang lalim nito sa lupa at tectonic ang origin ng lindol.

Dahil sa pag lindol naramdaman ang intensity V sa Governor Generoso, Intensity IV naman sa Mati City ng nasabi rin province.

Nakaramdam naman ng Intensity III sa mga bayan ng Tampakan at Tupi, South Cotabato, Intensity II sa Davao, Kidapawan, General Santos at Kiamba sa Sarangani.

Naramdaman din ang Intensity I sa bayan ng Arakan, Cotabato, ayon sa Phivolcs.

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente dahil sa expected na mga aftershocks.

AUTHOR PROFILE