Alex

Dating ‘Wowowee’ co-host, rumesbak para kay Alex

January 19, 2023 Vinia Vivar 381 views

Sa lahat ng celebrities na nakisawsaw sa issue ni Alex Gonzaga hinggil sa “icing incident” kung saan ay pinahiran nga niya ng icing sa mukha ang isang waiter, pinaka-nagustuhan namin ang mga sinabi ng dating co-host ng Wowowee na si RR Enriquez.

Ipinagtanggol niya si Alex and in fairness, may point siya actually.

“Sa totoo lang hindi madali maging komedyante… Ralate ako minsan kay Alex. Kasi minsan talaga sa sobrang kulit mo at gusto mo magpatawa lang naman, akala mo nakakatawa ka pa, ‘yun pala offensive na sa iba…. But your intension naman is not to harm or mamahiya ng tao….

“I honestly didn’t see anything wrong sa pagpahid ng cake (icing)… Kapag birthday mo you have the right na mag pahid ng cake or worst ikaw ang pahiran at hindi ka pwede magalit. Pero totoo na you can only do that sa mga ka close mo,” ang bahagi ng pagtatanggol ni RR kay Alex na ipinost nya sa kanyang Instagram page.

“Ang dami din kasi sensitive na tao na pinapalala ang situation. My goodness pero kapag si Alex ang ginawang katatawanan or kaming mga komedyante gawin katatawanan tuwang tuwa kayo. Yes trabaho namin yun and we are paid to do that and yung waiter hindi. Tama naman. But minsan kailangan din natin lawakan ang isip natin hindi lang puro bash..

“Alex is also a human being minsan may mga spontaneous act kami nagagawa na hindi na talaga nakakapag isip ng tama basta alam mo para sa sarili mo nakakatawa sya,” patuloy ni RR.

Hirit pa niya, “I’m sure may bad attitude din yan si Alex pero bakit tayo wala ba!!!!?”

Pero aminado naman siyang bilang comedienne, hindi pwedeng puro patawa lang.

“But as a comedienne we can’t always use the word gusto ko lang magpatawa. Sometimes we need to grow up and mature also. I’m sure matututo na din si Alex kumalma ng konti at uminom muna ng mga gamot bago mag patawa CHAROT,” ani RR.

“But again please stop judging her or us na mga nagkamali dahil lang gusto namin magpatawa at dahil hindi kami nag iisip ng tama. Yung mga basher na yan sure ako sila yung mas masasama ang ugali na feeling perfect na akala mo never nakagawa ng mali sa buhay nila…,” ang pagtatapos ni RR.

Samantala, nag-apologize na si Alex sa waiter na si Allan Crisostomo kaya for sure ay matatapos na ang isyung ito.

“On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment.

“I am truly sorry, Kuya Allan.

“To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person,” ang pahayag ni Alex sa kanyang IG Story.

Nauna na rito ay ang pagre-release ni Allan ng statement kung saan ay sinabi niyang noong Jan. 17 ay nagpunta si Alex sa kanyang trabaho at personal na humingi ng paumanhin.

Maging ang mister ni Alex na si Mikee Morada, naglabas na rin ng pahayag kung saan inamin niya na nagkamali nga ang misis niya.

Sabi niya sa Facebook post, “Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa.

“Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan.

“Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya. Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa.

“Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito. Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan.

“Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. Humihingi kami ng paumanhin sa inyo.

“Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat.

“I love you!”

Matatandaang naganap ang insidente sa birthday celebration ni Alex last January 15 kung saan ay pinahiran nga niya ng icing ng cake sa noo si Allan.

Hindi ito nagustuhan ng mga netizen at talagang nilait-lait nila ang aktres/vlogger.

AUTHOR PROFILE