Ibanez

Dating Star Magic artist, namamayagpag sa Amerika

January 24, 2022 Ian F. Fariñas 348 views

Malayo na nga ang narating ng Pinoy singer na si Eduard Ibanez, former Net25 newscaster, MTV Asia host at Star Magic (Batch 15) talent.

Since migrating to the US five years ago, walang tigil ang dating ng mga oportunidad kay Eduard na labis niyang ipinagpapasalamat.

“Life is a beautiful ride,” he said. “Keep looking up, that’s the secret of life. Struggle teaches you a lot of things. It’s been quite a rollercoaster ride, but I’ve grown and learned a lot about myself.”

Isa sa notable achievements ni Eduard sa US ay nang magkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mga sikat na international singer na sina Ed Sheeran at Justin Bieber sa music video na I Don’t Care.

Isang malaking karangalan din sa kanya na makatrabaho si Sia sa music video na Chandelier.

Plano nga niyang dalhin ang sikat na Australian singer sa Pilipinas for a big concert pagkatapos ng pandemya.

He’s also planning to release a single for Sia and other international artists, like R&B, pop, and soul singer-songwriter Cassie Ventura, in the near future.

Taong 2006 nang i-launch si Eduard as one of the Star Magic Batch 15 talents. He was only 17 then.

Ang mga kasabayan niya ay sina Jessy Mendiola, Bela Padilla at Megan Young.

Naging maganda rin ang career ni Eduard dito sa ’Pinas. He was given a chance to co-anchor a tele-radio show with Arnell Ignacio on Radyo Singko 92.3 News FM.

He also had a stint as a newscaster on Net25.

Hanggang sa dumating na nga ang oportunidad na makapagtrabaho siya sa US.

Nakakuha siya ng regular na trabaho sa popular California theme park na Six Flags, best known for the largest roller coasters in the world.

On the side, he’s pursuing his Holywood dream, slowly but surely.

In fact, he is currently working on a upcoming brand-new Nickelodeon comedy series.

While in the US, Eduard had the chance to pursue his studies in Political Arts and Media History at the University of California in Los Angeles (UCLA).

Nang kumustahin namin ang kanyang puso, Eduard said he’s single, pero a certain Filipina is inspiring him.

Ito ay si Bey Bisaya (Rosetela Chiong), dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin at ngayon ay nasa Cebu na’t may sarili nang restaurant.

Nakilala raw niya si Bey Bisaya nang nandito pa siya sa ’Pinas at makasama sa Net25.

Kahit nasa US na siya ay hindi nawala ang communication nila at lagi raw niya itong ka-chat.

Of course, he also has plans of getting married and have his own family someday pero sa ngayon ay career muna ang kanyang priority.

Gusto niyang maging settled muna siya bago niya isipin ang pagkakaron ng sariling pamilya.

AUTHOR PROFILE