Darryl

Darryl: Nirerespeto ko ang MTRCB

January 30, 2025 People's Tonight 86 views

Sinagot ni Direk Darryl Yap ang statement ng MTRCB na hindi totoong nirerebyu na nila ang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Ayon sa kanya, dumepende siya sa sagot ng kinatawan ng PInoyflix (distributor) na nasa opisina na sila ng MTRCB.

Post ni Darryl sa Facebook, “Ang nagpa-MTRCB po ng pelikula namin ay ang distributor, tinanong ko naman kung tinanggap ang materials, um-oo naman. 10am pa lang nandun na raw sila after lunch nagpapa-update ako, may meeting daw na sinet para sa legal.

“Gabi na ng mabasa ko ang letter para sa mga additional requirements na hindi naman hiningi sa mga pelikula ko noon, 16 films din ‘yun. Nandun naman ang pelikula ko.

“hindi ko alam kung napanood nila o hindi.

“O sige kunwari di pa nila napanood, nandun na eh, pag pumunta ka sa MTRCB, natural papa-review ka, so, sabi ko nu’ng nakapasok na sa portal ng distributor at nandu’n na sila sa MTRCB, nagpapa-review kami o nirereview na.

“Hindi naman nandu’n iyon for safekeeping. Wala akong intensyon na maging adelantado o pangunahan o magsabi ng mali, pagbibigay ko ng update iyon sa mga nakasubaybay.

“Hindi ako aware sa hinihingi nilang additional, magpapa-review lang ako ng pelikula, at bahagi naman ng pagre-review ang paghingi ng requirements…

“Hindi ko alam ano itong pahayag na ito, sa ayaw at sa gusto ng sinuman sa industriya,

Pilipino ako at manggagawa ng sining, bahagi ako ng industriyang hindi pagmamay-ari ng kahit na sino.

“Hindi ako kalaban ng kahit na sino kahit pa ang tingin sa akin ay kaaway wala na kaming pondo para sa mga susunod na hakbang kung di kami maipapalabas sa Feb.5 ganunpaman, nirerespeto ko ang MTRCB.

“Kung hindi pa nila nireview, okay. Pero ‘wag akong gawing sinungaling sa maliit na detalye.

“Gumawa ako ng pelikula, bahagi yan ng industriya; ng mga karapatan at kalayaang kaakibat nito. Pelikula ko lang ang pinapasuri ko, hindi ang aking pagkatao.”

Matatandaang naglabas ng statement si Atty. Paulino E. Cases Jr., MTRCB vice chairperson/chairperson ng Hearing and Adjudication Committee, na hindi pa nirerebyu ang pelikula dahil may mga kulang pa itong requirement. Reggee Bonoan

AUTHOR PROFILE