
Darryl kinasuhan ng cyber libel
Kinasuhan na ng ng two counts of cyberlibel ang filmmaker na si Darryl Yap sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC ) dahil sa pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Kaugnay ito sa inilabas na teaser video ng direktor para sa nasabing pelikula noong nakaraang January 1.
Sa nasabing teaser ay tahasang binanggit ang pangalan ni Vic Sotto.
Sa tatlong pahinang resolusyon ni City Prosecutor Aileen Marie Gutierrez, may sapat na basehan kay Yap upang umakyat sa korte ang kasong cyberlibel sa ilalim ng Article 353, 355 ng Revised Penal Code kaugnay sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
”Did then and there willfully, unlawfully and feloniously compose, prepare, write, publish and post a teaser video of his film entitled “The Rapists of Pepsi Paloma” (TROPP), which showed or aired the following film scenes, to wit: “Charito Solis (played by actress Gina Alajar): Ipaliwanag mo sa akin! Magsabi ka sa akin! Ipaliwanag mo… Dahil hindi ko naiiintindihan! Pepsi sumagot ka! followed immediately by a black motion screen format showing the statement: “NAGSAMPA NG KASONG RAPE SI PEPSI PALOMA LABAN KAY VIC SOTTO NOONG AUGUST 17, 1982”) thus, attributing or ascribing to the latter the commission of the crime of rape against deceased actress Pepsi Paloma,” ang bahagi ng nakasaad sa resolusyon.
Inirekomenda ng piskalya ang piyansa na P10,000.